Bakit Pula ang Mukha ng Araw?

September 12th, 2005 by deathseeker

Ruth Firmeza

11 Mayo 1983

Cagayan

Kapag pula ang mukha ng araw,

May digmaan. – Kasabihan

Pulang-pula ang mukha ng araw

sa pag-aagawan ng gabi at liwanag

sa pagluluksa ng takipsilim

kaya’t maging sa pagkalat ng dilim

ang hiram na liwanag ng buwan

ay kulay pula hindi dilaw

sa maagang dapithapong humahabol

sa paglubog ng araw sa kanluran

Sa tuktok ng bundok ay iisang anino

matayog na bantayog sa dilim ang natatanaw

di na madaraanan ng matitibay na pang

bibitin-bitin sa mga baging

Ka Enyong, maniniwala ba ako sa matatanda?

Kung bakit sa pula ng araw, pinawi ng digmaan

ang buhay mo gayong dapat sanang nailigtas mo

ang hininga ni Ka Greg na nagwakas dahil wala,

wala ka ritong aming doktor?

Nakapagngingitngit isiping nasawi ka sa kamay

ng malulupit na pasistang walang isip

nadakip sa patibong ng mga buktot

na hiwaga sa likod ng dilim ng pulang

lumulukob sa mukha ng araw

Totoo ang sinabi mong humiram ng silahis ang buwan

sa ngayo’y pulang-pulang araw.

Tulad ng tanglaw ng prinsipyo mong mula sa Isabela

hanggang Bikol ay naglingkod sa mga api

pula ito dahil nagngangalit ang mga mamamayan

Patuloy na tatanglaw ang buwan sa madilim na landas

na iyong tinahak at naiwan

sa landas ng mga mandirigmang di tumitigil

sa pakikibaka

hanggang matiyak ang tagumpay

Pula ang mukha ng araw dahil may digmaan

24/7

September 11th, 2005 by deathseeker

Ang Makina

ivan reverente

marahas ang panahon.

puno ng bangkay ang kalsada,

tayo’y mga ligaw na kaluluwa,

sumasabay sa agos ng mga paa,

sumasayaw at umaawit

sa himig ng pagdudurusa.

tayo’y mga makina,

tayo’y walang mukha,

patuloy ang pagkakuba,

sa patuloy na dikta ng pera.

hindi ito ang aking katawan,

puno ng latay ang sugat-sugat na laman,

marupok at patuloy na nasasaktan,

kinakain ng alikabok ang isipan.

ito ang panahon ng tahimik na sindakan,

ang panahon ng walang imik na kamalayan,

puno ng bangkay ang lansangan,

lunod ang lungsod sa pagbubulag-bulagan.

makina ako,

hindi ako makina.

malaya ako (na hindi makakita.)

makina ako ngunit (marahas ang panahon.)

?

September 5th, 2005 by deathseeker

Just got my grades from last summer and everything seems to be ok. I took US-History, and two more courses which i won’t be mentioning here. The prof gave me an A, I guess i did well in the finals. Its not about memorizing dates and events but knowing why they happened and their significance.

hmm… learning from history. This may be a reason why changing presidents doesn’t really solve our problem back home. After two Edsa Uprising, the same problems exist and they wont go away unless the proper solution is given-sos

August 20th, 2005 by deathseeker
BAYAN PRIMER

August 15, 2005

People Power at ang Transition Council: Kagyat na tugon sa krisis ng gobyernong Arroyo

PAMBUNGAD

Bulok na bulok na ang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo. Walo sa bawat sampung Pilipino ang nagsasabi na dapat nang alisin sa pwesto si Arroyo. Ito na ang naging lohikal na konklusyon matapos mailantad ang malawakang pandaraya sa eleksyon, katiwalian sa gobyerno, maigting na krisis sa ekonomiya at pulitika, pagpapakatuta sa dayuhan at ang tumitinding panunupil sa mamamayan.

Wala nang moral at ligal na batayan para mamuno si Arroyo. Sa lahat ng sulok ng bansa ay umaalingawngaw ang panawagan para sa pagbibitiw o pagpapatalsik kay Gloria. Lumalaki at lumalawak ang mga kilos protesta. Dumarami ang mga personahe at organisasyon ng panggitnang pwersa ang nananawagan ng pagbibitiw ni Arroyo. Nakasampa na rin sa Kongreso ang isang impeachment complaint laban kay Gloria.

Ang mga pangyayaring ito ang nagpapakita na suklam na ang mamamayan sa pekeng pangulo na mapanupil at pahirap sa taong bayan.

Ngayon ay panahon ng paninindigan. Kailangang kumilos ang mamamayan para lutasin ang krisis ng rehimeng Arroyo. Ang resolusyon ay kailangang maging pabor sa nakararaming inaapi at pinagsasamantalahan. Para magawa ito, kailangang magkaisa ang mamamayan kung paano palalayasin si Arroyo sa Malacañang. At mula doon ay ihawan ang landas tungo sa mga makabuluhang reporma para sa mamamayan habang tinatanaw ang mas makabuluhang pagbabago ng buong bulok na sistema.

1. ANO ANG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGRESOLBA SA KRISIS NG REHIMENG ARROYO?

May iba’t ibang pagtingin kung paano haharapin ang krisis ng rehimeng Arroyo. May nagpapanukala na ilimita ang pagpipilian ng mamamayan sa tinatawag na mga konstitusyonal na proseso. Ang iba naman ay nagsasabi na kailangang maging bukas sa lahat ng options, kabilang na ang sinasabing extra-constitutional option tulad ng People Power.  

Truth Commission

Noong nagsimula ang kontrobersya ng "Hello Garci", may mga nagpanukala ng "Truth Commission" bilang paraan para matuklasan ang katotohanan sa pandaraya sa eleksyon. Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang Malacañang na nananawagan din ng pagbubuo ng "Truth Commission", alinsunod sa naging mungkahi ng ilang obispo’t negosyante. Lubhang malabo ang patutunguhan ng "Truth Commission" ni Arroyo. Paano aasahan ang isang akusado (Arroyo) na imbestigahan ang kanyang sarili? Susunod naman kaya si Arroyo sa magiging rekomendasyon ng ‘Truth Commission" na siya ang nagbuo? Napag-iwanan na ng mga pangyayari ang panawagan para sa "Truth Commission". Malinaw na hindi ito maaaring maging tugon sa krisis ng rehimeng Arroyo. Kahit ang mga nagmungkahi ng "Truth Commission" ay hindi na nagpupursige sa pagbubuo nito.

Impeachment Process

Meron ding iba na nagsasabing idaan na lang sa impeachment ang pagpapaalis kay Arroyo. Ang nakakatawa pa nga ay mismong si Arroyo ang nagtataguyod sa impeachment process bilang TANGING ligal o konstitusyonal na paraan para mapaalis siya sa pwesto.

Pero ipinakita na ng kasaysayan na hindi madali ang impeachment ng isang pangulo, lalo’t nananatiling hawak ni Arroyo ang mayorya sa Kongreso. Bagama’t magagawa ng impeachment na ilantad ang mga kaso’t krimen ni Arroyo, hindi tayo umaasa at wala tayong ilusyon sa prosesong ito. Sinusuportahan natin ang mga isyung nilalaman ng impeachment complaint habang binabantayan naman ang mga maniobra at panggigipit na ginagawa ng Malacañang. Kabilang sa mga maniobra ang panunuhol at intimidasyon sa mga testigo at ang maniobra sa mismong proseso ng deliberasyon at botohan sa impeachment.

Hindi natin ibubuhos ang ating pagsisikap sa impeachment lamang. Mas mahalaga na magpatuloy ang mga pangmasang aksyong protesta sa lansangan, edukasyon sa hanay ng masa at panggitnang pwersa at pagpapalawak at konsolidasyon ng mga progresibong organisasyon ng mamamayan.    

Gayunpaman, kailangang bantayan ang mga pihit ng sitwasyon kaugnay ng impeachment, lalo na ang mga lantarang maniobra ng mga pro-GMA na ikakagalit ng mamamayan.

Resignation

Ang resignation o pagbibitiw ay isa sa mga paraang nakasaad sa konstitusyon bilang paraan ng pagpapalit ng pangulo. Maaaring magbitiw ang isang pangulong hindi na kayang mamuno.

Marami na ang nananawagan ng pagbibitiw ni Arroyo, kabilang ang kilusang masa, mga pulitiko, grupo ng negosyante’t propesyunal at mga samahang relihiyoso. Noong July 8 ay sunod-sunod na nananawagan ng resignation ang mga dating miyembro ng gabinete ni Arroyo, si dating Pangulong Aquino at ang Makati Business Club. Pero sa kabila ng mga panawagang ito ay nanatiling kapit-tuko sa poder si GMA.

Tama ang panawagan ng pagbibitiw kay Arroyo. Ito ay ekspresyon ng malawak na diskontento at pagtatakwil ng mamamayan sa kasalukuyang rehimen. Matapos na ilang ulit nagpahayag si Arroyo na hindi siya bibitiw sa poder, malinaw din na hindi sapat ang simpleng panawagan ng resign para mapaalis si Arroyo. Kailangan ng direktang aksyon ng daan-libong mamamayan para ma-pwersa si Arroyo na lisanin ang palasyo.

Snap Elections?

May nagsasabi din na idaan na lang sa isang snap election ang krisis ng gobyerno para malaman kung sino talaga ang sinusuportahan ng tao. Kahalintulad ito ng naging snap election noong bago bumagsak ang diktadurang Marcos. Pero paano magkakaroon ng kredibilidad ang snap elections gayong ang mismong magpapatakbo nito, ang COMELEC, ay bahagi sa pandaraya noong 2004 at lubog sa kontrobersya at kabulukan?

Solusyon ba ang Cha Cha?

Nagmungkahi na rin ng CHA CHA o charter change ang rehimen bilang solusyon daw sa krisis sa pulitika. Ito rin ang isinusulong ni dating pangulong Ramos, Jose de Venecia at ang buong LAKAS-CMD. Ginagamit nila ang retorika ng "pagpapalit ng sistema" para pagtakpan ang totoong mga ugat ng kasalukuyang krisis at kung sino ang may pangunahing pananagutan. Ano ba talaga ang nasa likuran ng Cha Cha?

Ang Cha Cha ay naglalayong pagtakpan ang mga isyu’t kasalanang sinisingil kay GMA. Ayon na rin mismo kay Arroyo, kaya nagkakagulo sa pulitika ngayon ay dahil sa sistema ng pulitika na presidensyal. Mas mabuti na raw ang sistemang parliamentaryo kung saan punong ministro na hinalal ng mga mambabatas ang siyang mamumuno sa bansa. Sa ilalim daw kasi ng parliamentary system, hindi na magkakaroon ng pangkalahatang eleksyon para sa pangulo dahil ang pinuno ng bansa ay ihahalal na lamang ng mga napiling mga kinatawan sa parliamento.

Malabo ang ganitong lohika ni GMA. Una ay pinagpapalagay niya na walang tinutuntungan ang mga panawagan para sa kaniyang pagbibitiw kundi ang pamumulitika lamang ng mga kalaban niyang nais mang-agaw ng kapangyarihan. Ang krisis ng rehimeng Arroyo ay hindi nagmumula sa presidential system ng gobyerno. Kaya may krisis ay dahil sa mga krimen ni Arroyo tulad ng pandaraya sa eleksyon, pagnanakaw sa kabang bayan at panunupil sa mamamayan.

Pangalawa, inililihis lamang ni GMA ang pananaw ng madla palayo sa totoong mga isyu. Nais ng rehimen na maipihit ang pambansang talakayan mula sa isyu ng kanyang pagbibitiw tungo sa usapin ng porma ng gobyerno.

Pangatlo, layon ng grupo ni Ramos na bigyan ng "graceful exit" si GMA matapos mabago ang konstitusyon. Ang pakanang ito ang magtitiyak na hindi mananagot si GMA sa kanyang mga kasalanan sa bayan. Ibang usapin pa syempre ang tila pagpalag ni GMA sa panukalang paikliin ang kanyang termino hanggang 2006.

Pang-apat, dapat ding bantayan ang pansariling interes ang grupong Ramos-de Venecia gayudin ang maka-imperyalistang agenda sa likod ng Cha-cha.

2. PAGKILOS NG MAMAMAYAN: Ang nagpapatuloy na tradisyon ng people power

Bakit kailangan itaguyod ang pambansa demokratikong kilusang masa at konsepto ng People Power bilang paraan sa pagresolba ng krisis ng rehimeng Arroyo?

Sa huling pagsusuri, batay sa karansan sa pakikibaka sa diktadurang US-Marcos at paglaban sa rehimeng US-Estrada, at batay na rin sa pagmamatigas ng rehimeng US-Arroyo, ang tuwirang pagkilos ng mamamayan ang siyang mapagpasya para lutasin ang krisis. Ang pag-aalsang popular sa tradisyon ng people power ay ang pinakamataas na ekspresyon ng demokrasya kung saan ang kapasyahan ng mamamayan ang siyang magtatakda ng pananatili o pagpapalit ng isang goberyno. Ang lakas ng mamamayan ang ating pangunahing sandigan laban sa nabubulok na rehimeng Arroyo.

Ang pagpapatalsik kay Arroyo ay mangangailangan ng kooperasyon at pagkilos ng malapad na hanay ng mamamayang lumalaban. Kabilang dito ang progresibong kilusang masa na pangunahing binubuo ng mga api at progresibong uri; ang mga pwersa ng Ligal na Oposisyon, mga taong simbahan at samahang relihiyoso, mga opisyal ng gobyerno na anti-Arroyo, mga negosyante, propesyunal, panggitnang saray ng lipunan, mass media, at maging mga aktibo at retiradong opsiyal militar. Lahat ay kinakailangang magtulong-tulong sa nagkakaisang layunin na patalsikin si Arroyo. Milyon-milyong mamamayan ang dapat na kumilos para patalsikin sa pwesto ang peke at pahirap na pangulo.

Hindi ba labag sa konstitusyon ang People Power?

Masasabing isang paraang extra-constitutional ang People Power dahil hindi ito tuwirang nasasaad sa saligang batas.   Gayunpaman, ang people power ay umaayon sa probisyon ng konstitusyon na nagsasabing "sovereignty resides in the people." Mamamayan ang mapagpasya. Ito ang esensya ng demokrasya. Ayon naman sa ibang ligal na eksperto, ang people power ay maaaring ituring na extra-constitutional pero hindi unconstitutional. Ibig sabihin, bagamat hindi tuwirang nasasaad sa konstitusyon, hindi rin naman nangangahulugan na labag ito sa konstitusyon. Ang mga mariing kumokontra ngayon sa people power ay mismong mga nakinabang sa People Power noon. Kapag wala sila sa poder ay ok lang ang people power. Pero oras na sila ay maupo, kagyat nilang tinatawag na iligal ang people power. Sila din ang unang lumalabag sa konstitusyon tulad ng pandaraya sa halalan, paglabag sa karapatang pantao at paglabag sa soberanya ng bansa.

Makikita rin na sa tindi na ng inabot ng krisis ng bansa, ang mamamayan ay humahanap na ng mga solusyon na labas sa konstitusyon. Ang mga paraang extra-constitutional ay nagpapakita na hindi na kayang harapin ang krisis ng bansa sa dating mga limitasyon ng saligang batas.

Hindi ba pagod na ang mamamayan sa People Power lalo’t wala namang nangyari matapos ang EDSA 1 at 2?

Hindi sa people power nagsasawa ang mamamayan. Sawa na ang tao sa pagtataksil ng mga ilang lider at pulitiko matapos ang people power. Ang bulok na pulitika, kawalan ng reporma at kawalan ng representasyon ng mamamayan ang siyang itinatakwil ng mamamayan. Kung pagbabatayan ang mga protesta ngayon, masasabing buhay na buhay pa rin ang diwa ng people power. Hindi nagsasawang maghangad ng pagbabago ang mamamayan.

Dagdag pa, masasabing nagbigay ng mahalagang aral ang EDSA 1 at 2. Una na dito ang realidad na hindi sapat na palitan lamang ang pangulo kung gusto nating magkaroon ng tunay na pagbabago. Pangalawa, ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan. Kailangang palakasin ang kilusan ng mamamayan para maisulong ang tunay na pagbabagong panlipunan. Ang makabuluhang pagbabago ay hindi natin pwedeng iasa na lamang sa mga pulitiko’t iilang naghahari. Ang mahalaga ay matapos ang bawat people power ay natututo ang mamamayan at lumalakas ang kanilang hanay at mabuo ang kanilang organisadong lakas.

Civilian-Military Junta ba o Coup d’etat ang tunguhin ng People Power?

Hindi layunin ng people power ang magluklok ng isang civilian-military junta. Ang military junta ay hindi solusyon sa krisis ng gobyernong Arroyo. Batay sa ating naging kasaysayan, ang People Power ay nagtataguyod ng civilian supremacy o kapangyarihang sibiliyan ang nangingibabaw sa militar. Hindi tayo papayag sa isang civilian-military junta, lalo’t sa ganitong kalagayan ay tiyak na magiging dominante ang militar kaysa sibilyan.

Ano kung gayon ang dapat iluwal ng People Power? Ano ang ipapalit kay Arroyo?

Ang people power ay dapat magluwal ng isang transtion council bilang kagyat na kapalit ng rehimeng Arroyo. Ang transition council ay maghahawan ng mga kagyat na reporma habang inihahanda ang paglulunsad ng eleksyon sa isang resonableng panahon. Ito ay bubuuin ng iba’t ibang mga pwersang pinakadeterminado sa laban para patalsikin si Arroyo.

3. TRANSITION COUNCIL: Napapanahong alternatiba sa bulok na rehimeng Arroyo

Bakit hindi si Noli de Castro o Franklin Drilon ang magiging kapalit ni Arroyo? Bakit hindi constitutional succession ang masusunod?

Kaiba sa EDSA 2, ang People Power ngayon ay hindi magreresulta ng constitutional succession kung saan ang bise-presidente ang magiging kapalit ni Arroyo. Hindi katanggap-tanggap si Noli de Castro bilang kapalit ni Arroyo. Sa panahon ng krisis sa pulitika ay nananatili siyang tagapagtanggol ni Arroyo. Kung tutuusin ay nakinabang siya sa pandaraya ni Arroyo noong nakaraang halalan. Kahit maluklok siya bilang pangulo kapag biglang nagbitiw si Arroyo, hindi rin niya kakayaning mamuno. Hindi rin niya itataguyod ang interes ng mamamayan, lalo’t siya ay kilalang malapit sa interes ng malaking negosyanteng Lopez. Si de Castro ay kabilang sa dapat magbitiw matapos mapatalsik si Arroyo.

Si Senate President Frank Drilon naman ay malabo ding maging kapalit ni Arroyo. Bilang pangatlong pinakamataas na opisyal ng bansa, si Drilon sana ay maaaring maging transition president habang inihahanda ang eleksyon ng bagong pangulo sa lalong madaling panahon. Pero sa ilalim ng umiiral na sitwasyon, at dahil na rin sa problema ng katiwalian sa COMELEC, hindi magiging epektibo ang Drilon transition at snap election. Higit sa lahat, hindi nito mabibigyang kapangyarihan at representasyon ang mga pwersang nagpatalsik kay Arroyo, lalo na ang mga inaaping sektor ng lipunan. At kung gayon ay hindi mabibigyang daan ang mga repormang mapapakinabangan ng mamamayan.

Konstitusyunal ba ang transition council?

Katulad ng people power, ang konsepto ng transition council ay di tuwirang nasasaad sa Konstitusyon. Ito kung gayon ay maituturing na extra-constitutional subalit hindi rin naman masasabing unconstitutional o labag sa konstitusyon. Umaayon pa rin ito sa probisyon ng konstitusyon na nagsasabing "sovereignty resides in the people". Tatanganan din nito ang probisyon sa konstitusyon na nagtataguyod sa civilian supremacy sa gobyerno.

Ang gobyernong Aquino noon ay maituturing na extra-constitutional dahil labas ito sa saklaw ng 1973 Constitution ni Marcos. Pero dahil ito ay niluwal ng pakikibaka laban sa diktadura at dahil malinaw ang pandaraya ni Marcos sa snap elections, nagawang umiral ng gobyernong Aquino. Tinanggap ito ng publiko kahit na labas ito sa balangkas ng konstitusyon. Nagkaroon Freedom Constitution habang inaatupag ang pagbabalangkas ng 1987 Constitution.

Bakit kailangang transition council ang pumalit kay Arroyo?

Hindi n a sapat ang constitutional succession para lutasin ang krisis sa pulitika. Ito ang nakita nating aral sa kasaysayan at ito rin ang ipinapakita ng kasalukuyang sitwasyon. Malala at malalim ang krisis ng bansa. Ang simpleng pagluluklok kay Noli de Castro ay hindi lulutas sa mga problema ng bayan. Kailangang magtulong ang iba’t ibang pwersa para lutasin ang krisis na ito at magagawa lang ito sa balangkas ng isang transisyon council na sa aktwal ay koalisyon ng mga pwersang anti-Arroyo.

Kailangan ding magkaroon ng kinatawan ang mamamayan, lalo na ang mga manggagawa’t magsasaka, sa gobyernong papalit kay Arroyo. Sa nakaraan ay hindi naging tampok ang kinatawan ng mamamayan sa mga gobyernong itinatag matapos ang EDSA 1 at 2. Ang kinatawan ng mamamayan mula sa mga progresibong organisasyon, lalo na ng mga aping uri ng manggagawa’t magsasaka at mg progresibong saray, ang magtitiyak na maisusulong ang mga kagyat na repormang pakikinabangan ng taongbayan.

Walang iisang grupo o tao ang makapagsasabi na sila/siya ang may kakayanang   pumalit kay Arroyo. Walang  grupo ang makapagsasabi na kaya nitong mag-isang patalsikin si Arroyo. Ang pagpapaalis kay Arroyo ay mangangailangan ng pagtutulungan ng iba’t ibang pwersa at grupo. Kung kaya’t ang gobyernong kagyat na papalit kay Arroyo ay   mangangailangang kumatawan din sa iba’t ibang pwersa’t partidong pulitikal na kumilos laban kay Arroyo.

Sino-sino ang bubuo ng transition council?

Ang transition council ay bubuuin ng iba’t ibang epektibong pwersa na kumilos para patalsikin si Arroyo. Maaaring magkaroon ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang partido/grupo ng ligal na Oposisyon, progresibong kilusang masa, mga negosyante, panggitnang saray ng mga propesyunal, at maging mga kinatawan ng mga retiradong militar na maaaring kumatawan sa mga aktibong militar.

Dapat tiyakin ang representasyon ng mga grupong pinaka-aktibong lumaban kay Arroyo. Dapat ding magkaroon ng tinatawag na proportional representation kung saan ang dami ng kinatawan ay itinatakda ng laki o bilang ng kinakatawan o constituents.

Isinusulong natin na magkaroon ng kinatawan sa transition council ang mga aping sektor tulad ng manggagawa, magsasaka at maralita. Dapat ding isulong ang representasyon ng mga lider na nagdadala ng makabayan at demokratikong plataporma. Sila ang kailangan sa loob ng transition council para maisulong ang mga reporma.

Ang laki ng transition council ay babatay sa aktwal na kalagayan, sa dami ng mga grupong aktibong kumikilos laban kay Arroyo. Dapat itong magkaroon ng sapat na bilang ng mga miyembro para magkaroon ng representasyon ang iba’t biang pwersa at grupong pampulitika.

Ang iba pang detalye ng transition council ay bumabatay na sa paraan ng pagpapatalsik kay Arroyo. Halimbawa, magagawa lamang ang transition council kung malakas ang kilusang masa o people power. Ang mga pangunahing mga personalidad na bubuo ng transition council ay babatay sa kung sino ang pinaka-aktibong pwersa sa kilusan para patalsikin si GMA.

Paano pipiliin ang mga kinatawan ng transition council? Kailan ito bubuuin?

Sa panahong malapit nang mapatalsik si Arroyo, dapat magkaroon ng isang malawak na People’s Assembly na ipapatawag ng iba’t ibang pwersang pulitikal na anti-Arroyo. Ang People’s Assembly ang magbibigay ng mandato para sa itatayong transition council. Ang mga pwersang mag-oorganisa ng asembliya ay dapat magbalangkas ng mga alituntunin para sa nominasyon at pagpili ng mga kinatawan ng transition council.

Kailangang tiyakin ang malapad na partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa People’s Assembly. Ang People’s Assembly ay dapat ding magtaguyod ng minimum na programa na makabayan at demokratiko na ipapatupad matapos mapatalsik si Arroyo.

Hakbang-hakbang na umuusbong ngayon ang kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang pwersang anti-Arroyo. Higit na uunlad ang kooperasyon at unawaan ng mga pwersang ito habang sumusulong ang laban. Sa ganitong paraan lang magiging posible ang pormasyon ng pinakamalapad na nagkakaisang hanay laban kay Arroyo.

Maaaring mabuo ang isang pormal na alyansa ng lahat ng grupong anti-Arroyo. Ang alyansang ito ang maaaring magpatawag ang isang People’s Assembly na pipili ng mga kinatawan ng transition council.

Hanggang kailan ito iiral? Gaano katagal ang buhay ng transition council?

Sa konspeto ng isang transition council, malinaw na hindi ito isang permanenteng gobyerno. Ito ay pansamantalang porma lamang ng pamamahala habang isinusulong ang mga reporma at inihahanda ang susunod na eleksyon. Sinasabing maaaring tumagal ng minimum na anim na buwan hanggang isang taon ang transition council. Kailangan ng isang panahon para ayusin ang burukrasyang babakentehin ni Arroyo. Kailangan ding tiyakin ang repormang elektoral bago mailunsad ang halalan para sa bagong pamunuan.

Matapos maihalal ang bagong pamunuan ng bansa, maaaring manatili ang People’s Assembly at ang transition council bilang ekpsresyon ng nagkakakisang hanay ng mamamayan.  

Ano ang magiging trabaho ng transition council?

  1. Isulong ang mga reporma sa ekonomiya at pulitika, kabilang ang electoral reforms
  2. Linisin ang kalat na iniwan ng rehimeng Arroyo, kabilang ang mga kaso ng katiwalian, kronyismo, mga maanomalyang kontrata etc. Punuan ang ilang nabakanteng pwesto ng rehimeng Arroyo.    
  3. Maghanda para sa halalang may kredibidilad. Ilunsad ang mga pagbabago sa COMELEC.
  4. Isulong ang pambansang pagkakaisa para sa makabayan at demokratikong reporma
  5. Maaari ding magpatawag ang transition council ng isang constitutional convention na magbabalangkas ng konstitusyon na magpapasaklaw sa mga karapatan ng mamamayan at magpapalakas sa mga makabayang probisyon

Ano ang mga repormang dapat isulong ng transition council?

Partikular na mga reporma na dapat isulong ay ang:   

  1. Economic relief mula sa matinding krisis sa ekonomiya, kasama na dito ang debt repudiation at pagrepaso sa mga patakarang pahirap sa bayan tulad ng EVAT.
  2. Tunay na reporma sa lupa at makabayang industriyalisasyon, proteksyon ng ekonomiya kasama ang pagbaligtad sa mga patakarang globalisasyon.
  3. Pagtaguyod sa karapatang pantao at katarungan para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at panunupil ng estado
  4. Pagtuloy sa usapang pangkapayapaan
  5. Pagtataguyod ng pambansang soberanya

Ang transition council na ba ang sagot sa malalim na krisis ng bansa?

Ang transition council na may kinatawan ng masang anakpawis at kilusang demokratiko ay isang makabuluhang hakbang tungo sa lubos na panlipunang pagbabago. Dapat lang na ilinaw na ang transition council ay hindi pa kulminasyon ng pagsisikap natin para isulong ang tunay na pagbabago. Hindi dapat magbigay ng ilusyon na ito na ang pinal na kasagutan sa lahat ng problema ng bansa, lalo’t kung ang bubuuing transition council ay ililimita lamang sa mga kinatawan ng iba’t ibang reaksyunaryong partido at grupong pampulitika at wala ang mga kintawan ng demokratikong kilusang masa.

Dapat kilalanin ang realidad na ang problema ng bansa ay tunay na malalim at hindi malulutas sa bisa lamang ng isa, dalawa o tatlong people power. Kinikilala din natin na dominante pa rin ang bulok na pulitika sa bansa. Posible din na sa loob ng transition council ay dominante pa rin ang mga tradisyunal na pulitiko at minorya lamang ang mga kinatawan ng progresibong kilusan. Dahil dito, hindi lubos ang mga reporma na maipapatupad ng transition council.

Ang mahalaga ay sa panahon ng pakikibaka at transisyon, makapag-ipon ng ibayong lakas ang kilusan ng mamamayan, maisulong ang ilang kagyat na reporma, at mapaghandaan ang susunod na mga paglaban para maisulong ang tunay na pagbabago.

Hangad natin ang isang bansang tunay na malaya, makatarungan at demokratiko. Sinusulong natin ito ngayon, at hanggang sa mapalitan ang rehimeng Arroyo. Mahaba ang prosesong ito. Sa hinaharap, hangad natin ang isang gobyerno na tunay na maglilingkod sa interes ng mamamayan, di lamang ng iilan.


Visit the League of Filipino Students (LFS) website!

www.lfs.kilusan.net

Poem

August 20th, 2005 by deathseeker

Sigaw ng Dukha

Crisanto Evangelista

Ikaw na nasusunod sa atas ng iyong panginoon
Kayong yumuyukod at di nagkukuro sa habang panahon
Ako’y lumalasap ng pagkasiphayo at pagkaparaol,
Tayong lahat ngani, na binabagsakan ng pula’t linggatong
Tayo ang may likha,tayo ang may sala ng lahat ng iyon,
Pagkat kundi tayo napaali’y walang panginoon.

Kung tayo’y natutong lumikha ating ipinanandata,
Kung ikaw at ako’y natutong lumikha ng ating ipinanandata,
Kung ikaw at ako’y natutong tumutol at di tumalima.
Kung tayong mga hirap,tayong manggagawa’y natutong kumita
Ng punglong pangwasak ng kanyon at saka, mga dinamita,
Disin ay putol na ang pang-aalipin at ang panggagaga
Sa ating mahihirap, niyang pinagpala ng masamang mana.

Maniwala kayo kung sa panimula tayo’y magpipisan
Bumuo, itatag ang lakas ng bisig at ng karapatan.
Nagbango’t yumari ng isang Malaya at sariling bayan,
Niyong baying salat sa masamang nasa at sa kasakiman.
Maniwala kayong kahapon ma’t ngayon, bukas at kailanman
Tatanghalin tayong may lakas na tao, may puri’t dangal.

Maniwala kayo, mga piling kasamang, ang paghihikahos
Imbing pagkadusta at pagkaalipin nang lubos na lubos
At di gawa lamang ng mamumuhunang mga walang taros
Kundi api tayo, tayong sugatan ma’y di nagkaloob
Na gumawa baga ng pagsasanggalang nang wagas at taos
Upang mapaanyo ang lakas ng lahat sa ikakatubos.

Ngayon, mga kasama, tayo’y dumaraing sa lagay ng dusta
Tayo’y nadadagit sa malaking buwis na sa ati’y likha
Ng batas anilang kung kaya niyari, kung kaya nalagda
Ay sa kagalingan ng baying mahirap at nagdaralita
Hindi baga ito katutubong hangad sa bukto’t na gawa?
Kapag paggugol, pantay-pantay tayo! Mayaman ma’t dukha.

Tayo’y dumaraing, laging humihingi ng kandiling tapat.
Sa pamahalaan, sa Mamumuhunan, at sa lagdang batas
Ngunit masdan ninyo kapag dumarating ang pagpapahayag
Ng di kasiyahan natin sa pakana’t masamang palakad: Ang
mamumuhunan, ang pamahalaan at ang mga batas
Ang ating kalaban, ang sumasanla, nang ganap na ganap.

Ginigipit tayo ng nagtataasang halaga ng lahat,
Sinisikil tayo sa mababang pasahod at ng kasalungat
Tayo’y inaapi ng mamumuhunan sa gawa ng pilak
Binibiro tayo ng mga hukuman sa hatol na tuwad
At pati pa halos niyong lalong imbi tayo’y hinahamak
Ngunit hindi mandin tayo gumagawa ng mga pangwawasak.

Kung may damdamin ka’t dinaramdam mo ang lahat ng ito,
Kung may nababahid na kamunting dangal sa puso mo’t noo,
Kung ikaw’y simpanan ng magandang gawa, gawang makatao
Walang lingong-likod, kusa mong tunguhin nang taas ang ulo
Nang buka ang diddib, ang iyong kasama sa isang upisyo
At isumpa roong makikisama ka nang di naglilito

Isumpa mo roong magtataguyod ka ng ganap na layon
Mamahalin mo, ang Palatuntunan at ang iyong Unyon
Gagawa ng lalong matapat sa lahat ng ikakasulong
Hindi magtatamad sa mga pagdalo na higit sa lasong
Nananatay sa mithi, na likha ng sama’t pagniningas-kugon.
Saka pagkatapos na iyong magaganap ang ganang tungkuli’y

Makikita mo nang unti-unti naman ang lahat ng sakim,
Ang lahat ng sama na nakapagbigay ng dilang hilahil,
Pawang napapawing usok na masangsang sa himpapawirin
At sa kasunod niya’y "Ang Sigaw ng Dukha pagwawakas lagim!

Statement

August 4th, 2005 by deathseeker

GONZALEZ IS THE RABIES-INFECTED DOG OF MALACAÑANG

Statement of the UP Diliman University Student Council on Justice Sec. Gonzalez

We are sickened by the recent haphazard statement of Justice Secretary Raul Gonzalez to the University of the Philippines, stating that UP is “a haven for people who seek the downfall of the government.” (PDI, 8/1/2005). Sec. Gonzalez is no less than PGMA’s rabid dog that salivates and barks to those who criticize its master.

Raging mad as he is, Gonzalez even further called on the UP Charter Change apparently to resolve his irritation at the University’s dissent and social criticism. This is an attack to the democratic and civil liberties of the people, which the University embodies.

But as the saying goes, you can tell the master by his/her pet. Definitely, we are not in the dog pound where Gonzalez is in. He is mistaken in thinking that it is imperative for a state-run university and its students  to be ever loyal with the administration even if it is doing wrong. We are iskolars ng bayan – we owe our education to the Filipino people, not to the government. It is our responsibility to always act for the nation’s interests not for any person whether he/she is president or not.

President Gloria Arroyo has clearly lost her moral and political ground to govern. She then lets loose of rabid dogs like Gonzalez to distract the people’s attention from her involvement in election fraud, jueteng payola and the long list of violations of our civil liberties and human rights.

UP will definitely take another step forward in its campaign. We should just let Gonzalez the rabid dog be destroyed of its own disease. Further strengthening its militant and critical action, the UP Community – administration, faculty, staff, REPS, students – will continue to stand together, united in the call for genuine justice and in defense of civil liberties. We will push the volume lever higher in our collective call for Pres. Arroyo’s removal.

Push on UP! Iskolar ng Bayan Ngayon ay Lumalaban!

NEWS: Youthful antics, street classes mark “People’s SONA”

July 25th, 2005 by deathseeker

Youth, students boast 10,000 turnout

July 25, 2005

Despite suspension of classes, this year’s SONA protest signified the biggest youth delegation since the spate of rallies against the Gloriagate expose.

An estimated 10,000 youth and students from UP, PUP, Ateneo, La Salle, UST, UE, Adamson, Trinity College, public high schools and urban poor communities participated in today’s protest – all under the banner of YOUTH DARE (Youth Demanding Arroyo’ Removal). Youth and students from Southern Tagalog and Central Luzon also participated in the huge demonstration.

"Though suspension of classes had an effect (on the expected students’ attendance), our numbers were much compensated by the torrent of thousands of youth from urban poor communities. Also, surprisingly or unsurprisingly, students sacrificed their much-coveted ‘free day’ to join the People’s SONA," said Eleanor de Guzman, Anakbayan secretary-general.

The YOUTH DARE delegation was a festive and lively march, marked by red and white ribbons, pep squads, jingles and colorful placards and streamers.

At 4pm, the program proper was cut to broadcast Gloria Macapagal-Arroyo’s speech to the protesters via loud speakers. Youth and students huddled into ’street classes’ to discuss among themselves the ‘real state of the nation’.

"This is a perfect opportunity to educate and strengthen the youth’s unity in calling for Mrs. Arroyo’s immediate removal. Classrooms cannot anymore contain our discourse on why Mrs. Arroyo should step down. We came here to listen to her speech; not to give credit for her so-called achievements and platform, but to critique and validate all the lies that we expected to hear from her address," de Guzman added.

Youth dares to struggle for a democratic alternative

The street classes also stressed the need for the establishment of a people’s democratic council to replace Mrs. Arroyo.

"For the youth, a democratic council to serve as transition government is still the most viable and pro-people option. Majority of youth and students shun a De Castro presidency…(because) it is equally immoral and unjust to replace Mrs. Arroyo with another whose character is of the same disposition," de Guzman pointed out.

She also added that a democratic council would ensure youth representation and, in turn, pave the way for the implementation of immediate reforms – such as a moratorium in tuition fee increases while the Education Act of 1982 is being reviewed, and the repeal of anti-people policies such as the Oil Deregulation Law, among others.

It will then give way to ‘genuine party elections’ to allow the people the democratic right to choose their new set of leaders.

"These cannot be achieved effectively so long as Mrs. Arroyo and her cohorts remain in power. Even calls from some isolated sectors for a so-called ‘caretaker council’ does not appeal to the youth for the same reason that we have no regard for apologists and opportunists who have done nothing to defend the youth’s interests. These people hold a bad record for abandoning the people’s mass movement – yet now they emerge from nowhere, claiming the people’s mass movement’s proposal for a transition council as their own," de Guzman rebuked, referring to an earlier statement issued by the Unity for Truth and Justice presenting a blueprint for a caretaker council to replace Mrs. Arroyo.

She added that the youth is open to a Con-Con (Constitutional Convention) to revise and repeal unscrupulous provisions in the existing Constitution only after genuine party elections are held.

"The youth is always open to change and progressive reforms, but we have also learned from the past and are now more careful to analyze and discern. A Con-con at this point will not suffice, as people with selfish political motives will be the ones to execute it. Even the move for a parliamentary form of government would hold no merit unless civilian representation will comprise its majority," de Guzman said.

She said, however, that the youth has no illusion that such an alternative would instill fundamental political and economic reforms.

"It is not enough but it will be a good start. Mrs. Arroyo’s removal and the establishment of a democratic council will pave the way for the eventual triumph of the youth and the people’s struggle for national democracy. Only then can genuine systemic changes in society be realized," de Guzman concluded.

Anakbayan is the co-convenor of YOUTH DARE, a broad alliance of youths and students from different schools, communities and universities, and a member of GSM, a multi-sectoral anti-Arroyo alliance.###

Statement

July 21st, 2005 by deathseeker

CONCERNED ARTISTS OF THE PHILIPPINES
3 July 2005

Peace and opposition

“Peace” is an abstracted word in our society.  Perhaps much of this is
because “peace time” refers to that point in history when U.S. forces
occupied our country. On the outside, the situation then seemed to be
quiet (tahimik) as business went on as usual.  In reality, the fiercest
battles for liberation were fought during those years, repressive measures were
enforced, and systematic deception campaigns were instituted.

Resistance to the invaders was quelled using the most brutal of tactics
and those who opposed were arrested and jailed.  Filipino revolutionaries
were branded as bandidos (bandits) or ladrones (thieves), while unarmed
oppositionists were trouble makers (nanggugulo). The message sent was,
“peace” means silence.

Fortunately, this wrong concept of “peace” is now changing.  The GMA
administration harass those who oppose her policies with physical
extermination and arrests.  This is the cause of a lot of noise. GMA
was silent for 22 days before admitting that the voice in the controversial
tape was hers.  The “noise” from the people pressured her to say “I am
sorry.”

But GMA apologists insist on stretching the regressive concept that
“peace means silence;” as they propagate the attitude of, “Patawarin na, para
wala nang gulo.” (Forgive, so that there will be no more trouble.) 
Subliminally, this means, “That’s it! Let’s get back to business as usual.”

Unfortunately for them, things have changed. Opposition remains noisy
as ever; righteously too, as the issue is not about humility and
forgiveness. In fact, it is not really just about fraud.  It is why people did not
vote for GMA– because they chose to elect “hope” to deliver them from
inequality, hunger, poverty, and repression.

The “noise” from the people that we hear now is a vote for peace time.
Peace time is when each and every individual has the opportunity to
live decently and in dignity, is given a fair share of nature’s bounty and
becomes a beneficiary of development and technology.  Peace is not the
absence of opposition. At this point in our history, opposition means
fighting for peace time.###

Julie L. Po
Secretary General
Concerned Artists of the Philippines
#39 Sct. Bayoran, QC
Tel 927-9260

info

July 21st, 2005 by deathseeker

Tanong-Sagot Hinggil sa "Gloriagate" o GMA-Garci Audio Tape Scandal

Inihanda ng League of Filipino Students

July 5, 2005 

Malaking ebidensya ng pandaraya noong nakarang halalan ang paglabas ng tinatawag na "Gloriagate" tapes na naglalaman ng pag-uusap nina Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commisioner Virgilio "Garci" Garcillano.

Nitong huli, inamin ng pangulo na siya nga ay nakipag-usap sa isang opisyal ng Comelec noong nakaraang eleksyon upang umano’y "protektahan ang kaniyang boto." Lalo namang dumadami ngayon ang nananawagan ng pagbibitiw ni Arroyo dahil sa nailantad na pandaraya ng "Hello, Garci" conversation.

Inilalabas ang tanong-sagot na ito para maglinaw hinggil malinaw na ipinapakitang pandaraya sa pag-uusap sa tapes at para kontrahin ang mga kasinungalingan ng Malakanyang na walang malaking kasalanan si Arroyo at ang kanyang ginawa ay isa lamang "lapse of judgement."

Kailan lumabas at paano lumaganap ang mga "Gloriagate" tapes?

Nakatutuwang isipin na unang nilabas sa isang media breifing ng mismong Press Secretary ng Malacanang na si Ignacio Bunye ang mga kontobersyal na tapes. Inilabas ni Press secretary Bunye sa isang media briefing noong June 6 ang tape.

Ito daw umano bilang isang "preemptive strike" dahil lumalaganap na unti-unti ang tapes. Inamin ni Bunye na si Gloria ang nasa wiretapped conversation, ngunit sinabi niyang "tampered" ito at naglabas siya ng isang kuno ay "original" copy. Ang "original" ay ang kanilang binago para pagtapan si Gloria habang ang umano’y "tampered" ang totoong kopya.

Pero ang mahalagang bagay ay inamin na ni Bunye na si Gloria ang nasa tape at siya ay na-"wiretap." Kaya naman nagsimula ng magbuhol-buhol ang mga dahilan ng Malakanyang dahil hindi nila alam kung paano nila babawiin ang kanilang ginawa at ipagtatanggol si Gloria.

Habang nagtatanong pa ang marami kung totoo nga ang tapes at kung mapapagkatiwalaan ba ito, at habang namomroblema na ng malaki ang Malakanyang sa paglulubid ng kasinungalingan hinggil sa tapes, ginulantang ang bayan ng paglitaw ni NBI Deputy Director Samuel Ong. Noong June 10, sinabi ni Ong na hawak niya ang "master tape" na nanggaling sa Intelligence Services ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at siya ang namahagi ng tapes.

Matapos naman nito ay agad na naglabas ng mga resulta ang iba’t ibang mga eksperto na ang tapes ay totoo at hindi dinuktor. Lumaganap naman sa internet at ipinarinig sa mga istasyon ng radyo at telebisyon ang mga bahagi ng tapes. Sa desperasyon ay nanakot ang Malakanyang na kakasuhan ng "wiretapping" at sedisyon ang mga "destabilizers" na nagpapalaganap nito at maging ang National Telecommunications Commision (NTC) ay naglabas ng memo na nagbabawal sa media na ipatugtog ang tapes. Ikinagalit ito ng iba’t ibang mga organisasyon ng media maging ng KBP, mga internasyunal na media organizations at ng mga progresibong organisasyon.

Unti-unti ng lumaganap ang tapes, kasabay dinng nauso ang "Hello, Garci" ringtones at tumindi naman ang mga protesta. Pinili ni Gloria na manahimik hinggil sa tapes habang dumarami naman ang mamamayang tinutulak siya na aminin o ideny kung siya nga ang nasa tapes.

June 27 ng gabi, matapos manawagan ang maraming sektor na ilantad na ang katotohanan, nagpahayag sa telebisyon si Gloria na tumawag nga siya sa isang COMELEC official, hindi daw upang dayain ang eleksyon kundi upang "protektahan" ang kanyang boto, kasabay ng mala-teledramang sambit ng mga katagang "I’m sorry" dahil siya daw ay gumawa ng isang "lapse of judgement."   Umaasa siyang matatapos na ang skandalo sa pamamagitan ng ginawa niyang ito.

Taliwas sa kanyang inaasahan, lalong dumami ang nagngalit sa kanya dahil sa kanyang drama, kasabay ng tumitinding panawagang siya ay magbitiw na sa puwesto.

Ano-ano ang laman ng audio tapes na direktang magpapakita ng paglabag ni Arroyo sa batas at pandaraya sa halalan?

Kung papakinggan ang buong tape ay maririnig ang maraming pag-uusap na magpapakita, direkta o indirekta ng pagmamaneobra ni Arroyo at ng iba pang mga tao na maririnig sa tape na kausap si Garcillano. Ilan lamang dito ang mga sumusunod:

GMA     :  Hello, hindi kaya puwedeng ma delay yung senatorial canvassing until after the voting on the rules tonight.
Garcy   : on the rules? Ahh, sige po…

GMA: …sa Senate, para walang away. Between two allies ito, siyempre magagalit ito, yung isa magagalit din for sure … (line cut)

·   Malinaw dito ang pagtatangkang i-delay ang pagbibilang ng boto. Isa itong malinaw na pagmamaneobra sa eleksyon. Ayon sa batas, dapat tuloy-tuloy ang bilangan hanggat naririyan ang mga balota at materyales.

·   Ito rin ay malinaw na paggamit ng posisyon bilang Pangulo at bilang taga- appoint kay Garcillano para impluwensiyahan ang isang dapat ay independent na opisyal.

·   Ilan sa mga batas na nalabag: Section 231 ng Omnibus Election Code, Article 210 hinggil sa  Direct Bribery o panunuhol, Anti Graft Law

Nais niyang ipadelay ang canvassing sa Sendao dahil baka mag-away ang dalawang kandidato sa pagkasenador ng administrasyon at mailantad ang mga pandaraya.

Garcy   :  OK mam, mas mataas siya pero, ma compensate po sa Lanao yan.
GMA     : So I will lead by more than 1 M overall ?
Garcy   :  More or less, it’s the advantage mam, parang  ganun din ang lalabas

GMA     : It cannot be less than one M?
Garcy   : Pipilitin mam, natin yan. But as of the other day 982…
GMA     : Kaya nga eh
Garcy   : and then if we can get more in Lanao

·   Hinihiling ni Arroyo na tiyakin na hindi bababa sa 1 milyon ang kanyalng lamang at "pipilitin" ito ni Garci. Dahil tapos na ang halalan, wala ng ibang paraan para "pilitin" na tumaas ang resulta kung hindi manipulahin ang resulta ng eleksyon.

·   Bukod sa pagtutulak ng pandaraya sa eleksyon at panunuhol, maaaring ma-preso si Arroyo dahil hinayaan niya ang isang paglabag sa batas sang ayon sa Art. 208 of the  Revised Penal Code 

GMA     : OO, oo, si Biazon nagbabanta, kung madaya daw siya pabubuksan niya ang ___ at  sa Tawi-Tawi,  eh baka raw ako ang matalo dun.
Garcy   : Baka nga ho.

·  Nag-aalala siyang kapag binuklat ang mga dokumento sa Tawi-tawi, mabubuking siya. Kaya sinasabi niya kay Garci na huwag tanggapin ang petisyon ni Biazon.

GMA     :  Hello, dun daw sa Basilan at Lanao del Sur di daw nag match ang SOV sa COC

Garcy   : Ang sinabi niya, nawawala na naman ho
GMA     : Hindi na nag match
Garcy   :  May posibilidad ho na hindi nag match kung di nila sinunod yung individual SOV ng munisipyo. Pero aywan ko lang ko lang ho kung pabor sa atin o hindi.  Doon naman sa Basilan at Lanao del Sur ito ho yung ginawa nilang magpataas sa inyo, maayos naman ang paggawa eh.
GMA     : so nag mamatch?
Garcy   : Oho, sa Basilan, alam niyo naman ang military  dun hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh.  Katulad ho doon sa Sulu, si Gen. Habatan. Pero hindi naman ho, kinausap ko na yung chairman of the Board ng Sulu, yung sa akin. Patataguin ko muna ang EO ng Pagundaran na para hindi sila maka testigo ho. X x x x
GMA     : OO .. tapos nun, sa Calangunyan may teacher daw sila na nasa witness protection program.

Garcy   : sino ho?
GMA     : yung kabila, may teacher daw silang hawak
Garcy   : wala naman ho, baka nanakot lang sila.
GMA     : Calanguyan, Tawi tawi?
Garcy   :  Calanguyan Tawi Tawi? Wala naman ho tayong kwan dun, wala naman ho tayong ginawa dun, sa calanguyan. In fact talo nga tayo dun, talo nga si Nur dun.
GMA     : oo, oo
Garcy   : Sige, aanuhin kong lahat ng yan.
*
SOV: Statement of Votes/COC: Certifiate of Canvas

·   Buking na buking dito na may ginawa ngang "pagpapataas" ng boto para kay Arroyo at itinatago nila ang kanilang kalokohan dahil tila hindi nagkakapareho (ngma"match")ang mga bilang.

·   Hindi lang magicianng boto ito si Garci, marunong din magpa "disappear" ng tao:   "Pataguin ko muna ang EO (Election Officer) ng Pagundaran  para hindi sila maka testigo ho."

·   Ginamit din ng mga loko ang militar: " alam niyo naman ang military  dun hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh."   

·   Malinaw na malinaw dito na dinadaya nila ang eleksyon at alam na alam ito at pinapakana ito ni Arroyo.

·  Tandaan din natin na ni-reappoint pa muli ni Arroyo itong si Garcillano sa COMELEC

Gary : Hello

GMA: Hello, did you get my text about Tipo-tipo?

Gary: Oho, oho, Ma’am kwan ho, that’s what I’m being fearful about. Kung si Rasma Hali yun, that’s why we’re asking people to look for her so we can control her

GMA: She’s probably already being held by them

Gary : Ma’am?

GMA: She’s being held by them already

Gary : She is here, that’s why if possible we will ask her family to call her up from Zamboanga

GMA: o sige, OK

·   Si Rasma Hali ay election officer sa Tipo-tipo na nagtestify na may pandaraya sa halalan. Ipinapa-"control" ito nina Gloria at idinidiing baka nasa oposisyon na siya.

·   Nabalita ito na kinidnap ang pamilya at ginawang hostage para ma-neutralize si Hali: " if possible we will ask her family to call her up from Zamboanga" 

·   Hindi lang dinadaya ang eleksyon, nagpapadukot pa ng pamilya para lamang magawa ito.

Ilan lamang ito sa mga nagpapatunay na nilabag ni Arroyo ang batas, dinaya ang halalan at ninakaw ang boto ng mamamayan, kabaliktaran sa kanyang sinabi na isa lamang itong "lapse of judgement" at ginawa niya ito para "protektahan"   lamang (hindi pataasin) ang kanyang boto.

Sa simula’t simula pa lamang, hindi dapat kausapin ng isang kandidatong tumatakbo, lalo na kung siya ay Pangulo ng panahong iyon ang isang opisyal ng COMELEC. Hindi lang ito isang beses kundi maraming ulit niya itong ginawa. Kung nais lamang niyang tiyakin ang kanyang boto, sana tinawagan niya si Comelec Chair Abalos, ngunit hindi ito ang kanyang ginawa, tinawagan niya ang isang kilalang "magician" sa eleksyon na si Garcillano.

Bukod sa nilalaman ng tapes, ano pa ang mga nilabag ni Arroyo sa proseso ng kanyang pagsagot at pagtangkang lusutan ang skandalo?

Sa mismong proseso ng paglulubid ng mga kasinungalingan at mga pakana para lusutan ang kanyang skandalo, lumabag na si Arroyo sa batas.

·   Kahit alam niya na siya ang nasa tape, inatasan pa rin o pinayagan ang Press Secretary na ideklarang ang tape ay "pakana" at gawa-gawa lamang ng oposisyon para i-"destabilize" ang gobyerno.

·   Gayundin, ipinaganap niya na may "original" tapes kahit alam niyang hindi ito totoo. Ang paggamit ng public office para sa sariling kapakanan at interes, at para magpalaganap ng maling impormasyon ay labag sa batas.

Maaari bang maging batayan ang mga ito para alisin si Gloria sa pagkapangulo?

Oo. Sa ilalim ng batas, Article XI, Sec. 2 ng Konstitusyon, nilabag niya ang mga sumusunod:

(i)                  culpable violation of the Constitution,

(ii)                 bribery

(iii)               graft and corruption; at

(iv)              betrayal of public trust

Apat ito sa anim na batayan para sa impeachment.

Bukod dito, mananagot din siya sa kasong kriminal sa ilalim ng Art. 238 ng Revised Penal Code ("abetting or tolerating a crime") at iba pang mga kaso.

Maaaring pang makulong ng aabot sa 23 at kalahating taon si Arroyo kung mapatunayang nagkasala siya sa mga kasong ito.

Ang audio tapes lang ba ang ebidensiya hinggil sa pandaraya? Bakit ngayon lang lumabas ang mga ito at hindi noong eleksyon?

Noon pa mang panahon ng eleksyon ay marami ng ebidensya ng pandaraya ang inilabas. Kaya lamang, hindi ito hinayaang magpatuloy sa kongreso dahil kaalyado din ni Gloria ang karamihan dito. Ibinasura din ng Presidential Electoral Tribunal ang petisyon ni FPJ.

Kahit ang mga survey noon ay nagpapakita ng malawak na paniniwala ng mamamayan na dinaya ni Gloria ang nakaraang halalan. Naging maingay din ang grupong Patriots sa pamumuno ng mga kaparian na maglabas ng mga ebidensya ng pandaraya. Ang paglabas ng tape ay higit lamang na nagpapatunay ng pandaraya ni Arroyo sa nakaraang halalan.

Gayundin, muling naglalabas ngayon ang iba’t ibang grupo ng mga ebidensiya ng pandaraya noong nakaraang halalan.

Ano ang dapat gawin hinggil sa iskandalong ito?

Hindi na karapat-dapat pang magtagal sa pagkapangulo si Arroyo. Hindi na maaari pang tiisin ang limang taon pang pananatili ng pekeng pangulong ito sa Palasyo. Kailangan ng kumilos ang mamamayan para ipanawagan ang kanyang pagpapatalsik sa pwesto.

May mga mambabatas na nag-iisip na iimpeach si Arroyo. Kung maayos itong isusulong, maaari itong maglantad ng kabulukan ni Gloria. Gayunpaman, hindi tayo umaasa ng malaki dito pagkat karamihan ng mga kongresista ay mga kakampi din ni Arroyo.

Positibo din na may mga retirado at aktibong tauhan ng militar na bumabaklas na kay Gloria. Ngunit kailangang tiyaking gagalingin nito ang civilian supremacy sa lahat ng pagkakataon. Hindi tayo dapat pumayag sa isang military junta.

Gaya ng itinuro sa atin ng kasaysayan, tanging sa sama-samang pagkilos ng mamamayan at kolektibong aksyon lamang tayo makakapagtulak ng pagbabago sa ating bansa.

Hindi sasapat ang simpleng pagpapalit ng pamunuan, kailangan magresulta ang pagpapatalsik kay Arroyo sa mga makabuluhang repormang tutugon sa mga interes at panawagan ng mamamayan, lalong lalo na ng anakpawis.

Maaaring magbuo ng isang transition council o isang People’s Democratic Council na bubuuin ng iba’t ibang political forces para magpatupad ng mga signipikanteng reporma. Mahalagang sa konsehong ito ay may kinatawan ng mga demokratiko, patriyotiko at progresibong pwersa na magpapatupad ng mga makabayang reporma tulad ng indutriyalisasyon, tuney na reporma sa lupa, pagtataas ng sahod, pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, pagtitiyak ng sapat na serbisyong panlipunana at iba pa. Maghahanda ang konsehong ito para sa eleksyon ng panibagong pamunuan.

Batay sa ating karanasan, alam nating hindi na magiging sapat na ipalit na lamang si Noli bilang constitutional succesor ni Arroyo. Tulad ni Arroyo, kwestiyonable din ang pagkakaupo ni Noli.

Malinaw sa atin na hindi magbabago ang sistema sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng pangulo. Gayunpaman, ang pagpapatalsik kay Arroyo ay magpapalakas sa kilusan ng mamamayan patungo sa pagbabago ng sistema. Kailangang tuloy-tuloy na ipaglaban ang isang lipunang malaya, makatarungan, maunlad at masagana.

Anong maaring gawin?

Pangunahan ang pag-oorganisa ng mga kilusang anti-Gloria sa iyong paaralan/komunidad:

  • Maging mulat sa mga kaganapan at ipalaganap pa ito sa iba. Subaybayan ang mga balita. Maaaring mag-organisa ng mga forum, symposium, talakayan, prayer gatherings at iba pa para maipalam sa mas nakararami ang hinggil sa isyu. Magpalaganap din ng paninindigan sa internet (email, chat, e-groups). Sumali sa oust_gloria@yahoogroups.com. 
  • Magsuot ng pins, stickers, ribbons, atbp. para maipalam sa iba ang iyong paninindigan. Ipaalam sa TV, print media at radyo ang panawagan para sa pagpapababa kay Gloria mula sa pwesto.
  • Sumulat sa inyong mga kinatawan sa senado at kongreso para suportahan ang panawagan para sa pag-reresign ni Gloria.
  • Gumawa at mamahagi ng mga brochure, polyeto, letter to the editor. Magpalaganap ng mga jingle, txt jokes, ringtones at iba pang makakapagpalaganap ng protesta.
  • Anyayahan ang pinakamaraming mga organisasyon, mga grupo at indibidwal na manindigan at kumilos para sa pagpapatalsik kay Gloria. Maaaring manguna sa pagbubuo ng mga alyansa o network ng mga indibidwal at organisasyon sa isang takdang lugar. Halimabawa maaaring magbuo ng inyong sariling chapter ng Youth DARE (Youth Demanding Arroyo’s Removal) o GSM (Gloria Step Down Movement).
  • Sumama at magpasama ng pinakamarami ng mga martsa at protestang lansangan sa Ayala, Plaza Miranda, Mendiola, atbp. Ang malaking mga protestang masa at sama-samang pagkilos ang magiging mapagpasya sa pagpapatalsik kay Gloria. (Para sa mga iskedyul maaaring makipag-ugnayan sa Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa www.bayan.ph) Tiyaking magdala ng makukulay na placards o streamers kung saan nakasulat ang panawagang tulad ng "Oust Gloria!" o "Gloria, Step Down!" at pangalan ng inyong organisasyon.
  • Makipag-ugnayan at sumali sa League of Filipino Students! Sumali sa chapter ng LFS sa inyong paaralan. Kung wala pa, maaaring simulan ang pagbubuo ng chapter sa inyong paaralan. Bisitahin ang www.lfs.kilusan.net at makipag-ugnayan ng regular sa LFS. Tuloy-tuloy na ipaglaban ang makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Statement

July 21st, 2005 by deathseeker

Huling Tagpo: Sa Peryahang SONA ni Gloria!

Unti-unti nang bumubukas ang telon. Paghahanda sa pinakagrandiyosong pagtatanghal ng rehimeng GMA mula sa mapagmanipulang mga kamay ng magkakapatid na salot na Imperyalismo, Burokrata-Kapitalismo at Pyudalismo. Nakahelera na ang ating mga magtatanghal. Nasa gitna ang bida-bidahang si Gloria, habang parang asong gutom naman na nakatanghod sa paligid ang kaniyang mga alipores – si Noli, mga aprentis niyang mambabatas, mga opisyal ng gobyernong lokal, mga kamag-anakan, at mga dating bida na ngayon ay laos na ngunit pumupusisyon pa rin sa pamamagitan ng CHACHA sa pag-asang makapag-come back sila.  Sa likod ni Gloria, nakaposisyon ang malaking anino ng direktor ng palabas, si G.W. Bush. Nasa posisyon na ang lahat, kaya’t huwag nang patagalin pa ang pagbubukas sa entablado ng peryahang SONA ni Gloria!

Sa hudyat at kumpas ni Bush, nag-umpisa nang gumalaw, pumadyak at pumalakpak nang sabay-sabay ang mga bida, siyempre sa pangunguna ni Gloria. Sa saliw ng hilly billy, tignan natin ang performans ng Perya Queen ayon sa kaniyang apat na taong karir bilang line dancer. Isang bagsak para sa pagbulusok ng ekonomiyang Pilipino dahil sa mga polisiya ng globalisasyon – patuloy na liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Dalawang bagsak naman para sa paglala ng kondisyon ng pamumuhay ng Pilipino dahil sa mga polisiyang anti-mamayan tulad ng EVAT, Mining Act of 1995 at ilan pang maanomalyang kasunduan at kontrata. Tatlong malalakas na bagsak para sa patuloy na paglaki ng ating utang panlabas habang patuloy namang lumiliit ang nakalaang badyet para sa edukasyon at serbisyong sosyal. Apat na bagsak sa bawat padyak ng kamatayan para sa pagpaslang sa mga magsasaka, manggagawa, organisador, mamamahayag at mga miyembro ng progresibong grupo sa buong kapuluan. Isang palakpak para sa pagyaman ng mga naghaharing uri – mga kamag-anak at ka-dikit ni Gloria – dahil sa hindi mabilang na kaso ng katiwalian sa apat na taon at kalahati ng pamumuno niya. Dalawang palakpak para sa pagpapasigla ng Jueteng sa bansa katulong ang buong pamilya niya. At tatlong palakpak para sa bagong recording contract ni Gloria at ang “Hello Garci” album niya na platinum award na ngayon. 

Sa lakas ng mga padyak ni Gloria, unti-unti nang napupulbos ang inaanay na entablado ng kasulukuyang sistema. Butas na rin ang sahig na kinatatayuan niya kaya’t hindi magtatagal ay hindi na niya makakayanan na umiwas pa sa mga butas hanggang sa siya ay masilat at tuluyan nang mahulog at mawala sa eksena. Sa isang banda, handang-handa na si Noli sa kaniyang pagpalit kay Gloria kung tuluyan nga itong mahuhulog, may mga martilyo, kalawanging pako at inaanay ding tabla ang dala niyang pang-remedyo sa mga butas na ginawa ng mabibigat na padyak ni Gloria.  Sa kabilang banda, handang-handa na rin ang mga bouncer na mga retiradong militar na kung sakaling mahulog si Gloria ay aakyat sila sa entablado para mag-deklara ng military junta.

Ngunit ang entablado ay malalim na ang sakit dahil sa mga anay nito kaya’t ang mamayang Pilipino ay hindi na rin papayag sa mga inaanay ding kalunasan. Ang mamayang Pilipino ay hindi na rin magpapaka-bingaw sa malalakas na padyak at palakpak ng naghaharing uri. Dahil sa bawat padyak ng ating mga bida-bidahang line dancer ay sanglaksang padyak ng taumbayang nagngangalit ang lalamon at sasagupa rito. Sa bawat palakpak nila dahil sa patuloy nilang pagyaman habang patuloy na naghihirap ang bansa, ay dagundong na palakpak ang sasagot upang ipagbunyi ang pagsasama-samang lakas ng pagkilos ng mamayang Pilipino tungo sa tunay na kalayaan.

Nasa isang mahalagang tagpo na tayo ng laban. Sirain na ang bulok na entablado ng peryahang SONA ni Gloria kasama ang kaniyang mga alipores at mga prodyuser niyang sina Imperialismo, Burokrata-Kapitalismo at Pyudalismo. Tayo nang makilahok, makipadyak at makipalakpak sa pinagsama-samang lakas ng mamayang Pilipino sa SONA NG BAYAN.

SUMAMA SA SONA! PATALSIKIN SI GLORIA!

ITAGUYOD ANG ISANG KONSEHO NG MGA PATRIOTIKO AT DEMOKRATIKONG PUWERSA!

CONGRESS OF TEACHERS/EDUCATORS FOR NATIONALISM AND DEMOCRACY

(Hulyo 21 2005)