Archive for July, 2005

NEWS: Youthful antics, street classes mark “People’s SONA”

Monday, July 25th, 2005

Youth, students boast 10,000 turnout

July 25, 2005

Despite suspension of classes, this year’s SONA protest signified the biggest youth delegation since the spate of rallies against the Gloriagate expose.

An estimated 10,000 youth and students from UP, PUP, Ateneo, La Salle, UST, UE, Adamson, Trinity College, public high schools and urban poor communities participated in today’s protest – all under the banner of YOUTH DARE (Youth Demanding Arroyo’ Removal). Youth and students from Southern Tagalog and Central Luzon also participated in the huge demonstration.

"Though suspension of classes had an effect (on the expected students’ attendance), our numbers were much compensated by the torrent of thousands of youth from urban poor communities. Also, surprisingly or unsurprisingly, students sacrificed their much-coveted ‘free day’ to join the People’s SONA," said Eleanor de Guzman, Anakbayan secretary-general.

The YOUTH DARE delegation was a festive and lively march, marked by red and white ribbons, pep squads, jingles and colorful placards and streamers.

At 4pm, the program proper was cut to broadcast Gloria Macapagal-Arroyo’s speech to the protesters via loud speakers. Youth and students huddled into ’street classes’ to discuss among themselves the ‘real state of the nation’.

"This is a perfect opportunity to educate and strengthen the youth’s unity in calling for Mrs. Arroyo’s immediate removal. Classrooms cannot anymore contain our discourse on why Mrs. Arroyo should step down. We came here to listen to her speech; not to give credit for her so-called achievements and platform, but to critique and validate all the lies that we expected to hear from her address," de Guzman added.

Youth dares to struggle for a democratic alternative

The street classes also stressed the need for the establishment of a people’s democratic council to replace Mrs. Arroyo.

"For the youth, a democratic council to serve as transition government is still the most viable and pro-people option. Majority of youth and students shun a De Castro presidency…(because) it is equally immoral and unjust to replace Mrs. Arroyo with another whose character is of the same disposition," de Guzman pointed out.

She also added that a democratic council would ensure youth representation and, in turn, pave the way for the implementation of immediate reforms – such as a moratorium in tuition fee increases while the Education Act of 1982 is being reviewed, and the repeal of anti-people policies such as the Oil Deregulation Law, among others.

It will then give way to ‘genuine party elections’ to allow the people the democratic right to choose their new set of leaders.

"These cannot be achieved effectively so long as Mrs. Arroyo and her cohorts remain in power. Even calls from some isolated sectors for a so-called ‘caretaker council’ does not appeal to the youth for the same reason that we have no regard for apologists and opportunists who have done nothing to defend the youth’s interests. These people hold a bad record for abandoning the people’s mass movement – yet now they emerge from nowhere, claiming the people’s mass movement’s proposal for a transition council as their own," de Guzman rebuked, referring to an earlier statement issued by the Unity for Truth and Justice presenting a blueprint for a caretaker council to replace Mrs. Arroyo.

She added that the youth is open to a Con-Con (Constitutional Convention) to revise and repeal unscrupulous provisions in the existing Constitution only after genuine party elections are held.

"The youth is always open to change and progressive reforms, but we have also learned from the past and are now more careful to analyze and discern. A Con-con at this point will not suffice, as people with selfish political motives will be the ones to execute it. Even the move for a parliamentary form of government would hold no merit unless civilian representation will comprise its majority," de Guzman said.

She said, however, that the youth has no illusion that such an alternative would instill fundamental political and economic reforms.

"It is not enough but it will be a good start. Mrs. Arroyo’s removal and the establishment of a democratic council will pave the way for the eventual triumph of the youth and the people’s struggle for national democracy. Only then can genuine systemic changes in society be realized," de Guzman concluded.

Anakbayan is the co-convenor of YOUTH DARE, a broad alliance of youths and students from different schools, communities and universities, and a member of GSM, a multi-sectoral anti-Arroyo alliance.###

Statement

Thursday, July 21st, 2005

CONCERNED ARTISTS OF THE PHILIPPINES
3 July 2005

Peace and opposition

“Peace” is an abstracted word in our society.  Perhaps much of this is
because “peace time” refers to that point in history when U.S. forces
occupied our country. On the outside, the situation then seemed to be
quiet (tahimik) as business went on as usual.  In reality, the fiercest
battles for liberation were fought during those years, repressive measures were
enforced, and systematic deception campaigns were instituted.

Resistance to the invaders was quelled using the most brutal of tactics
and those who opposed were arrested and jailed.  Filipino revolutionaries
were branded as bandidos (bandits) or ladrones (thieves), while unarmed
oppositionists were trouble makers (nanggugulo). The message sent was,
“peace” means silence.

Fortunately, this wrong concept of “peace” is now changing.  The GMA
administration harass those who oppose her policies with physical
extermination and arrests.  This is the cause of a lot of noise. GMA
was silent for 22 days before admitting that the voice in the controversial
tape was hers.  The “noise” from the people pressured her to say “I am
sorry.”

But GMA apologists insist on stretching the regressive concept that
“peace means silence;” as they propagate the attitude of, “Patawarin na, para
wala nang gulo.” (Forgive, so that there will be no more trouble.) 
Subliminally, this means, “That’s it! Let’s get back to business as usual.”

Unfortunately for them, things have changed. Opposition remains noisy
as ever; righteously too, as the issue is not about humility and
forgiveness. In fact, it is not really just about fraud.  It is why people did not
vote for GMA– because they chose to elect “hope” to deliver them from
inequality, hunger, poverty, and repression.

The “noise” from the people that we hear now is a vote for peace time.
Peace time is when each and every individual has the opportunity to
live decently and in dignity, is given a fair share of nature’s bounty and
becomes a beneficiary of development and technology.  Peace is not the
absence of opposition. At this point in our history, opposition means
fighting for peace time.###

Julie L. Po
Secretary General
Concerned Artists of the Philippines
#39 Sct. Bayoran, QC
Tel 927-9260

info

Thursday, July 21st, 2005

Tanong-Sagot Hinggil sa "Gloriagate" o GMA-Garci Audio Tape Scandal

Inihanda ng League of Filipino Students

July 5, 2005 

Malaking ebidensya ng pandaraya noong nakarang halalan ang paglabas ng tinatawag na "Gloriagate" tapes na naglalaman ng pag-uusap nina Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commisioner Virgilio "Garci" Garcillano.

Nitong huli, inamin ng pangulo na siya nga ay nakipag-usap sa isang opisyal ng Comelec noong nakaraang eleksyon upang umano’y "protektahan ang kaniyang boto." Lalo namang dumadami ngayon ang nananawagan ng pagbibitiw ni Arroyo dahil sa nailantad na pandaraya ng "Hello, Garci" conversation.

Inilalabas ang tanong-sagot na ito para maglinaw hinggil malinaw na ipinapakitang pandaraya sa pag-uusap sa tapes at para kontrahin ang mga kasinungalingan ng Malakanyang na walang malaking kasalanan si Arroyo at ang kanyang ginawa ay isa lamang "lapse of judgement."

Kailan lumabas at paano lumaganap ang mga "Gloriagate" tapes?

Nakatutuwang isipin na unang nilabas sa isang media breifing ng mismong Press Secretary ng Malacanang na si Ignacio Bunye ang mga kontobersyal na tapes. Inilabas ni Press secretary Bunye sa isang media briefing noong June 6 ang tape.

Ito daw umano bilang isang "preemptive strike" dahil lumalaganap na unti-unti ang tapes. Inamin ni Bunye na si Gloria ang nasa wiretapped conversation, ngunit sinabi niyang "tampered" ito at naglabas siya ng isang kuno ay "original" copy. Ang "original" ay ang kanilang binago para pagtapan si Gloria habang ang umano’y "tampered" ang totoong kopya.

Pero ang mahalagang bagay ay inamin na ni Bunye na si Gloria ang nasa tape at siya ay na-"wiretap." Kaya naman nagsimula ng magbuhol-buhol ang mga dahilan ng Malakanyang dahil hindi nila alam kung paano nila babawiin ang kanilang ginawa at ipagtatanggol si Gloria.

Habang nagtatanong pa ang marami kung totoo nga ang tapes at kung mapapagkatiwalaan ba ito, at habang namomroblema na ng malaki ang Malakanyang sa paglulubid ng kasinungalingan hinggil sa tapes, ginulantang ang bayan ng paglitaw ni NBI Deputy Director Samuel Ong. Noong June 10, sinabi ni Ong na hawak niya ang "master tape" na nanggaling sa Intelligence Services ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at siya ang namahagi ng tapes.

Matapos naman nito ay agad na naglabas ng mga resulta ang iba’t ibang mga eksperto na ang tapes ay totoo at hindi dinuktor. Lumaganap naman sa internet at ipinarinig sa mga istasyon ng radyo at telebisyon ang mga bahagi ng tapes. Sa desperasyon ay nanakot ang Malakanyang na kakasuhan ng "wiretapping" at sedisyon ang mga "destabilizers" na nagpapalaganap nito at maging ang National Telecommunications Commision (NTC) ay naglabas ng memo na nagbabawal sa media na ipatugtog ang tapes. Ikinagalit ito ng iba’t ibang mga organisasyon ng media maging ng KBP, mga internasyunal na media organizations at ng mga progresibong organisasyon.

Unti-unti ng lumaganap ang tapes, kasabay dinng nauso ang "Hello, Garci" ringtones at tumindi naman ang mga protesta. Pinili ni Gloria na manahimik hinggil sa tapes habang dumarami naman ang mamamayang tinutulak siya na aminin o ideny kung siya nga ang nasa tapes.

June 27 ng gabi, matapos manawagan ang maraming sektor na ilantad na ang katotohanan, nagpahayag sa telebisyon si Gloria na tumawag nga siya sa isang COMELEC official, hindi daw upang dayain ang eleksyon kundi upang "protektahan" ang kanyang boto, kasabay ng mala-teledramang sambit ng mga katagang "I’m sorry" dahil siya daw ay gumawa ng isang "lapse of judgement."   Umaasa siyang matatapos na ang skandalo sa pamamagitan ng ginawa niyang ito.

Taliwas sa kanyang inaasahan, lalong dumami ang nagngalit sa kanya dahil sa kanyang drama, kasabay ng tumitinding panawagang siya ay magbitiw na sa puwesto.

Ano-ano ang laman ng audio tapes na direktang magpapakita ng paglabag ni Arroyo sa batas at pandaraya sa halalan?

Kung papakinggan ang buong tape ay maririnig ang maraming pag-uusap na magpapakita, direkta o indirekta ng pagmamaneobra ni Arroyo at ng iba pang mga tao na maririnig sa tape na kausap si Garcillano. Ilan lamang dito ang mga sumusunod:

GMA     :  Hello, hindi kaya puwedeng ma delay yung senatorial canvassing until after the voting on the rules tonight.
Garcy   : on the rules? Ahh, sige po…

GMA: …sa Senate, para walang away. Between two allies ito, siyempre magagalit ito, yung isa magagalit din for sure … (line cut)

·   Malinaw dito ang pagtatangkang i-delay ang pagbibilang ng boto. Isa itong malinaw na pagmamaneobra sa eleksyon. Ayon sa batas, dapat tuloy-tuloy ang bilangan hanggat naririyan ang mga balota at materyales.

·   Ito rin ay malinaw na paggamit ng posisyon bilang Pangulo at bilang taga- appoint kay Garcillano para impluwensiyahan ang isang dapat ay independent na opisyal.

·   Ilan sa mga batas na nalabag: Section 231 ng Omnibus Election Code, Article 210 hinggil sa  Direct Bribery o panunuhol, Anti Graft Law

Nais niyang ipadelay ang canvassing sa Sendao dahil baka mag-away ang dalawang kandidato sa pagkasenador ng administrasyon at mailantad ang mga pandaraya.

Garcy   :  OK mam, mas mataas siya pero, ma compensate po sa Lanao yan.
GMA     : So I will lead by more than 1 M overall ?
Garcy   :  More or less, it’s the advantage mam, parang  ganun din ang lalabas

GMA     : It cannot be less than one M?
Garcy   : Pipilitin mam, natin yan. But as of the other day 982…
GMA     : Kaya nga eh
Garcy   : and then if we can get more in Lanao

·   Hinihiling ni Arroyo na tiyakin na hindi bababa sa 1 milyon ang kanyalng lamang at "pipilitin" ito ni Garci. Dahil tapos na ang halalan, wala ng ibang paraan para "pilitin" na tumaas ang resulta kung hindi manipulahin ang resulta ng eleksyon.

·   Bukod sa pagtutulak ng pandaraya sa eleksyon at panunuhol, maaaring ma-preso si Arroyo dahil hinayaan niya ang isang paglabag sa batas sang ayon sa Art. 208 of the  Revised Penal Code 

GMA     : OO, oo, si Biazon nagbabanta, kung madaya daw siya pabubuksan niya ang ___ at  sa Tawi-Tawi,  eh baka raw ako ang matalo dun.
Garcy   : Baka nga ho.

·  Nag-aalala siyang kapag binuklat ang mga dokumento sa Tawi-tawi, mabubuking siya. Kaya sinasabi niya kay Garci na huwag tanggapin ang petisyon ni Biazon.

GMA     :  Hello, dun daw sa Basilan at Lanao del Sur di daw nag match ang SOV sa COC

Garcy   : Ang sinabi niya, nawawala na naman ho
GMA     : Hindi na nag match
Garcy   :  May posibilidad ho na hindi nag match kung di nila sinunod yung individual SOV ng munisipyo. Pero aywan ko lang ko lang ho kung pabor sa atin o hindi.  Doon naman sa Basilan at Lanao del Sur ito ho yung ginawa nilang magpataas sa inyo, maayos naman ang paggawa eh.
GMA     : so nag mamatch?
Garcy   : Oho, sa Basilan, alam niyo naman ang military  dun hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh.  Katulad ho doon sa Sulu, si Gen. Habatan. Pero hindi naman ho, kinausap ko na yung chairman of the Board ng Sulu, yung sa akin. Patataguin ko muna ang EO ng Pagundaran na para hindi sila maka testigo ho. X x x x
GMA     : OO .. tapos nun, sa Calangunyan may teacher daw sila na nasa witness protection program.

Garcy   : sino ho?
GMA     : yung kabila, may teacher daw silang hawak
Garcy   : wala naman ho, baka nanakot lang sila.
GMA     : Calanguyan, Tawi tawi?
Garcy   :  Calanguyan Tawi Tawi? Wala naman ho tayong kwan dun, wala naman ho tayong ginawa dun, sa calanguyan. In fact talo nga tayo dun, talo nga si Nur dun.
GMA     : oo, oo
Garcy   : Sige, aanuhin kong lahat ng yan.
*
SOV: Statement of Votes/COC: Certifiate of Canvas

·   Buking na buking dito na may ginawa ngang "pagpapataas" ng boto para kay Arroyo at itinatago nila ang kanilang kalokohan dahil tila hindi nagkakapareho (ngma"match")ang mga bilang.

·   Hindi lang magicianng boto ito si Garci, marunong din magpa "disappear" ng tao:   "Pataguin ko muna ang EO (Election Officer) ng Pagundaran  para hindi sila maka testigo ho."

·   Ginamit din ng mga loko ang militar: " alam niyo naman ang military  dun hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh."   

·   Malinaw na malinaw dito na dinadaya nila ang eleksyon at alam na alam ito at pinapakana ito ni Arroyo.

·  Tandaan din natin na ni-reappoint pa muli ni Arroyo itong si Garcillano sa COMELEC

Gary : Hello

GMA: Hello, did you get my text about Tipo-tipo?

Gary: Oho, oho, Ma’am kwan ho, that’s what I’m being fearful about. Kung si Rasma Hali yun, that’s why we’re asking people to look for her so we can control her

GMA: She’s probably already being held by them

Gary : Ma’am?

GMA: She’s being held by them already

Gary : She is here, that’s why if possible we will ask her family to call her up from Zamboanga

GMA: o sige, OK

·   Si Rasma Hali ay election officer sa Tipo-tipo na nagtestify na may pandaraya sa halalan. Ipinapa-"control" ito nina Gloria at idinidiing baka nasa oposisyon na siya.

·   Nabalita ito na kinidnap ang pamilya at ginawang hostage para ma-neutralize si Hali: " if possible we will ask her family to call her up from Zamboanga" 

·   Hindi lang dinadaya ang eleksyon, nagpapadukot pa ng pamilya para lamang magawa ito.

Ilan lamang ito sa mga nagpapatunay na nilabag ni Arroyo ang batas, dinaya ang halalan at ninakaw ang boto ng mamamayan, kabaliktaran sa kanyang sinabi na isa lamang itong "lapse of judgement" at ginawa niya ito para "protektahan"   lamang (hindi pataasin) ang kanyang boto.

Sa simula’t simula pa lamang, hindi dapat kausapin ng isang kandidatong tumatakbo, lalo na kung siya ay Pangulo ng panahong iyon ang isang opisyal ng COMELEC. Hindi lang ito isang beses kundi maraming ulit niya itong ginawa. Kung nais lamang niyang tiyakin ang kanyang boto, sana tinawagan niya si Comelec Chair Abalos, ngunit hindi ito ang kanyang ginawa, tinawagan niya ang isang kilalang "magician" sa eleksyon na si Garcillano.

Bukod sa nilalaman ng tapes, ano pa ang mga nilabag ni Arroyo sa proseso ng kanyang pagsagot at pagtangkang lusutan ang skandalo?

Sa mismong proseso ng paglulubid ng mga kasinungalingan at mga pakana para lusutan ang kanyang skandalo, lumabag na si Arroyo sa batas.

·   Kahit alam niya na siya ang nasa tape, inatasan pa rin o pinayagan ang Press Secretary na ideklarang ang tape ay "pakana" at gawa-gawa lamang ng oposisyon para i-"destabilize" ang gobyerno.

·   Gayundin, ipinaganap niya na may "original" tapes kahit alam niyang hindi ito totoo. Ang paggamit ng public office para sa sariling kapakanan at interes, at para magpalaganap ng maling impormasyon ay labag sa batas.

Maaari bang maging batayan ang mga ito para alisin si Gloria sa pagkapangulo?

Oo. Sa ilalim ng batas, Article XI, Sec. 2 ng Konstitusyon, nilabag niya ang mga sumusunod:

(i)                  culpable violation of the Constitution,

(ii)                 bribery

(iii)               graft and corruption; at

(iv)              betrayal of public trust

Apat ito sa anim na batayan para sa impeachment.

Bukod dito, mananagot din siya sa kasong kriminal sa ilalim ng Art. 238 ng Revised Penal Code ("abetting or tolerating a crime") at iba pang mga kaso.

Maaaring pang makulong ng aabot sa 23 at kalahating taon si Arroyo kung mapatunayang nagkasala siya sa mga kasong ito.

Ang audio tapes lang ba ang ebidensiya hinggil sa pandaraya? Bakit ngayon lang lumabas ang mga ito at hindi noong eleksyon?

Noon pa mang panahon ng eleksyon ay marami ng ebidensya ng pandaraya ang inilabas. Kaya lamang, hindi ito hinayaang magpatuloy sa kongreso dahil kaalyado din ni Gloria ang karamihan dito. Ibinasura din ng Presidential Electoral Tribunal ang petisyon ni FPJ.

Kahit ang mga survey noon ay nagpapakita ng malawak na paniniwala ng mamamayan na dinaya ni Gloria ang nakaraang halalan. Naging maingay din ang grupong Patriots sa pamumuno ng mga kaparian na maglabas ng mga ebidensya ng pandaraya. Ang paglabas ng tape ay higit lamang na nagpapatunay ng pandaraya ni Arroyo sa nakaraang halalan.

Gayundin, muling naglalabas ngayon ang iba’t ibang grupo ng mga ebidensiya ng pandaraya noong nakaraang halalan.

Ano ang dapat gawin hinggil sa iskandalong ito?

Hindi na karapat-dapat pang magtagal sa pagkapangulo si Arroyo. Hindi na maaari pang tiisin ang limang taon pang pananatili ng pekeng pangulong ito sa Palasyo. Kailangan ng kumilos ang mamamayan para ipanawagan ang kanyang pagpapatalsik sa pwesto.

May mga mambabatas na nag-iisip na iimpeach si Arroyo. Kung maayos itong isusulong, maaari itong maglantad ng kabulukan ni Gloria. Gayunpaman, hindi tayo umaasa ng malaki dito pagkat karamihan ng mga kongresista ay mga kakampi din ni Arroyo.

Positibo din na may mga retirado at aktibong tauhan ng militar na bumabaklas na kay Gloria. Ngunit kailangang tiyaking gagalingin nito ang civilian supremacy sa lahat ng pagkakataon. Hindi tayo dapat pumayag sa isang military junta.

Gaya ng itinuro sa atin ng kasaysayan, tanging sa sama-samang pagkilos ng mamamayan at kolektibong aksyon lamang tayo makakapagtulak ng pagbabago sa ating bansa.

Hindi sasapat ang simpleng pagpapalit ng pamunuan, kailangan magresulta ang pagpapatalsik kay Arroyo sa mga makabuluhang repormang tutugon sa mga interes at panawagan ng mamamayan, lalong lalo na ng anakpawis.

Maaaring magbuo ng isang transition council o isang People’s Democratic Council na bubuuin ng iba’t ibang political forces para magpatupad ng mga signipikanteng reporma. Mahalagang sa konsehong ito ay may kinatawan ng mga demokratiko, patriyotiko at progresibong pwersa na magpapatupad ng mga makabayang reporma tulad ng indutriyalisasyon, tuney na reporma sa lupa, pagtataas ng sahod, pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, pagtitiyak ng sapat na serbisyong panlipunana at iba pa. Maghahanda ang konsehong ito para sa eleksyon ng panibagong pamunuan.

Batay sa ating karanasan, alam nating hindi na magiging sapat na ipalit na lamang si Noli bilang constitutional succesor ni Arroyo. Tulad ni Arroyo, kwestiyonable din ang pagkakaupo ni Noli.

Malinaw sa atin na hindi magbabago ang sistema sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng pangulo. Gayunpaman, ang pagpapatalsik kay Arroyo ay magpapalakas sa kilusan ng mamamayan patungo sa pagbabago ng sistema. Kailangang tuloy-tuloy na ipaglaban ang isang lipunang malaya, makatarungan, maunlad at masagana.

Anong maaring gawin?

Pangunahan ang pag-oorganisa ng mga kilusang anti-Gloria sa iyong paaralan/komunidad:

  • Maging mulat sa mga kaganapan at ipalaganap pa ito sa iba. Subaybayan ang mga balita. Maaaring mag-organisa ng mga forum, symposium, talakayan, prayer gatherings at iba pa para maipalam sa mas nakararami ang hinggil sa isyu. Magpalaganap din ng paninindigan sa internet (email, chat, e-groups). Sumali sa oust_gloria@yahoogroups.com. 
  • Magsuot ng pins, stickers, ribbons, atbp. para maipalam sa iba ang iyong paninindigan. Ipaalam sa TV, print media at radyo ang panawagan para sa pagpapababa kay Gloria mula sa pwesto.
  • Sumulat sa inyong mga kinatawan sa senado at kongreso para suportahan ang panawagan para sa pag-reresign ni Gloria.
  • Gumawa at mamahagi ng mga brochure, polyeto, letter to the editor. Magpalaganap ng mga jingle, txt jokes, ringtones at iba pang makakapagpalaganap ng protesta.
  • Anyayahan ang pinakamaraming mga organisasyon, mga grupo at indibidwal na manindigan at kumilos para sa pagpapatalsik kay Gloria. Maaaring manguna sa pagbubuo ng mga alyansa o network ng mga indibidwal at organisasyon sa isang takdang lugar. Halimabawa maaaring magbuo ng inyong sariling chapter ng Youth DARE (Youth Demanding Arroyo’s Removal) o GSM (Gloria Step Down Movement).
  • Sumama at magpasama ng pinakamarami ng mga martsa at protestang lansangan sa Ayala, Plaza Miranda, Mendiola, atbp. Ang malaking mga protestang masa at sama-samang pagkilos ang magiging mapagpasya sa pagpapatalsik kay Gloria. (Para sa mga iskedyul maaaring makipag-ugnayan sa Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa www.bayan.ph) Tiyaking magdala ng makukulay na placards o streamers kung saan nakasulat ang panawagang tulad ng "Oust Gloria!" o "Gloria, Step Down!" at pangalan ng inyong organisasyon.
  • Makipag-ugnayan at sumali sa League of Filipino Students! Sumali sa chapter ng LFS sa inyong paaralan. Kung wala pa, maaaring simulan ang pagbubuo ng chapter sa inyong paaralan. Bisitahin ang www.lfs.kilusan.net at makipag-ugnayan ng regular sa LFS. Tuloy-tuloy na ipaglaban ang makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Statement

Thursday, July 21st, 2005

Huling Tagpo: Sa Peryahang SONA ni Gloria!

Unti-unti nang bumubukas ang telon. Paghahanda sa pinakagrandiyosong pagtatanghal ng rehimeng GMA mula sa mapagmanipulang mga kamay ng magkakapatid na salot na Imperyalismo, Burokrata-Kapitalismo at Pyudalismo. Nakahelera na ang ating mga magtatanghal. Nasa gitna ang bida-bidahang si Gloria, habang parang asong gutom naman na nakatanghod sa paligid ang kaniyang mga alipores – si Noli, mga aprentis niyang mambabatas, mga opisyal ng gobyernong lokal, mga kamag-anakan, at mga dating bida na ngayon ay laos na ngunit pumupusisyon pa rin sa pamamagitan ng CHACHA sa pag-asang makapag-come back sila.  Sa likod ni Gloria, nakaposisyon ang malaking anino ng direktor ng palabas, si G.W. Bush. Nasa posisyon na ang lahat, kaya’t huwag nang patagalin pa ang pagbubukas sa entablado ng peryahang SONA ni Gloria!

Sa hudyat at kumpas ni Bush, nag-umpisa nang gumalaw, pumadyak at pumalakpak nang sabay-sabay ang mga bida, siyempre sa pangunguna ni Gloria. Sa saliw ng hilly billy, tignan natin ang performans ng Perya Queen ayon sa kaniyang apat na taong karir bilang line dancer. Isang bagsak para sa pagbulusok ng ekonomiyang Pilipino dahil sa mga polisiya ng globalisasyon – patuloy na liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Dalawang bagsak naman para sa paglala ng kondisyon ng pamumuhay ng Pilipino dahil sa mga polisiyang anti-mamayan tulad ng EVAT, Mining Act of 1995 at ilan pang maanomalyang kasunduan at kontrata. Tatlong malalakas na bagsak para sa patuloy na paglaki ng ating utang panlabas habang patuloy namang lumiliit ang nakalaang badyet para sa edukasyon at serbisyong sosyal. Apat na bagsak sa bawat padyak ng kamatayan para sa pagpaslang sa mga magsasaka, manggagawa, organisador, mamamahayag at mga miyembro ng progresibong grupo sa buong kapuluan. Isang palakpak para sa pagyaman ng mga naghaharing uri – mga kamag-anak at ka-dikit ni Gloria – dahil sa hindi mabilang na kaso ng katiwalian sa apat na taon at kalahati ng pamumuno niya. Dalawang palakpak para sa pagpapasigla ng Jueteng sa bansa katulong ang buong pamilya niya. At tatlong palakpak para sa bagong recording contract ni Gloria at ang “Hello Garci” album niya na platinum award na ngayon. 

Sa lakas ng mga padyak ni Gloria, unti-unti nang napupulbos ang inaanay na entablado ng kasulukuyang sistema. Butas na rin ang sahig na kinatatayuan niya kaya’t hindi magtatagal ay hindi na niya makakayanan na umiwas pa sa mga butas hanggang sa siya ay masilat at tuluyan nang mahulog at mawala sa eksena. Sa isang banda, handang-handa na si Noli sa kaniyang pagpalit kay Gloria kung tuluyan nga itong mahuhulog, may mga martilyo, kalawanging pako at inaanay ding tabla ang dala niyang pang-remedyo sa mga butas na ginawa ng mabibigat na padyak ni Gloria.  Sa kabilang banda, handang-handa na rin ang mga bouncer na mga retiradong militar na kung sakaling mahulog si Gloria ay aakyat sila sa entablado para mag-deklara ng military junta.

Ngunit ang entablado ay malalim na ang sakit dahil sa mga anay nito kaya’t ang mamayang Pilipino ay hindi na rin papayag sa mga inaanay ding kalunasan. Ang mamayang Pilipino ay hindi na rin magpapaka-bingaw sa malalakas na padyak at palakpak ng naghaharing uri. Dahil sa bawat padyak ng ating mga bida-bidahang line dancer ay sanglaksang padyak ng taumbayang nagngangalit ang lalamon at sasagupa rito. Sa bawat palakpak nila dahil sa patuloy nilang pagyaman habang patuloy na naghihirap ang bansa, ay dagundong na palakpak ang sasagot upang ipagbunyi ang pagsasama-samang lakas ng pagkilos ng mamayang Pilipino tungo sa tunay na kalayaan.

Nasa isang mahalagang tagpo na tayo ng laban. Sirain na ang bulok na entablado ng peryahang SONA ni Gloria kasama ang kaniyang mga alipores at mga prodyuser niyang sina Imperialismo, Burokrata-Kapitalismo at Pyudalismo. Tayo nang makilahok, makipadyak at makipalakpak sa pinagsama-samang lakas ng mamayang Pilipino sa SONA NG BAYAN.

SUMAMA SA SONA! PATALSIKIN SI GLORIA!

ITAGUYOD ANG ISANG KONSEHO NG MGA PATRIOTIKO AT DEMOKRATIKONG PUWERSA!

CONGRESS OF TEACHERS/EDUCATORS FOR NATIONALISM AND DEMOCRACY

(Hulyo 21 2005)

GMA truth commission

Wednesday, July 20th, 2005

July 20, 2005 

NEWS RELEASE

Reference:    Vencer Crisosomo, National Chairperson (09175423455)

A GMA truth commission? Students think it’s ‘a joke’

"The funniest Gloria text joke so far."

This was the reaction of Vencer Crisostomo, League of Filipino Students (LFS) chairperson to the news that Arroyo was planning to head the forming of a truth commission.

"Gloria must be taking us for fools. She can’t even lie straight without winking. The facial expressions she make are obviously fake. You can commission experts to determine if her smile is peke and they will unanimously agree that it is. Now she tells us she wants to lead the forming of a truth commision? She must be crazy," Crisostomo said.

Crisostomo said he sent the news to his friends thru text and email and he had them laughing.   He sent it together with the joke about GMA’s lie clock being used as a fan because Gloria lied so much it spinned so fast. This even doubled the fun.

"Arroyo has gone nuts. First she thinks the Lord is at her side, now she seriously believes she has the truth backing her too. I’ll tell her what she can do next: give us more entertainment and appoint Mike Defensor, Raul Gonzalez and Butch Pichay as heads of your ‘truth’ commission," Crisostomo said.

Crisostomo explained that the LFS was not open to the original idea of a truth commision proposed by some religious leaders because it will only be used to make Gloria stay longer in power and it will surely be used by Arroyo to spread more lies. It was gaining ground among "neutral" and religious groups but now Arroyo herself has "discredited" the proposal by pushing for it. "We already know the truth. It is that Arroyo simply should not stay as president anymore and should step down. She should face the truth, resign and stop her nonsense propaganda," he said.

The League of Filipino Students today launched an "Oplan: Hello, Garci" program aiming to make 1 million students hear the "truth." "Instead of commissioning experts and leaders to know the truth, we commisioned jeepney and public transport drivers, restaurants and stalls in the school areas to play the Gloriagate CD’s and let the people hear the truth," explained Crisostomo.

Crisostomo said they are preparing for massive walk-outs and boycotts on the July 25 SONA to express the students’ support of the call for Arroyo to step down. Today they led a snake rally and students’ protest in the University of the East (UE) in the univesity belt area. They will also join the nationwide noise barrage set today. They are expecting at least 100,000 students to join the nationwide protests on SONA.

"Come SONA, we will bring the truth to her face. It is that majority of the Filipinos want her out of the palace now and hundreds of thousands are willing to take the streets to oust her," Crisostomo promised.

LFS is a convenor of Youth Demanding Arroyo’s Removal (YOUTH DARE). The League of Filipino Students has more than 100 chapters in major colleges, universities and high schools nationwide. ###


Visit the League of Filipino Students (LFS) website!

www.lfs.kilusan.net

Statement

Tuesday, July 19th, 2005

STAND-UP

Huling Sigwa kay Gloria
(Released: July 15, 2005)

Sa panahon ng sigwa, pangahas tayong sumusuong sa unos.

Sa panahon ng ligalig, buong tapang nating hinaharap ang bawat krisis.

At sa puntong ito ng ating kasaysayan, muli na namang tinatawag ng pagkakataon ang bawat isa sa atin upang harapin mga kontradiksyon ng ating lipunan at makipagtitigan, sa mata ng bagyo.

Sa kasalukuyan, hinahambalos ang mga iskolar ng bayan ng pinakamalupit ng bagyo – si Gloria Macapagal Arroyo. Habang walang habas ang hampas ng krisis sa mamamayan, patuloy ang pagkapit-tuko ng pangulo sa kanyang puwesto sa Malakanyang.

At ang bagyong Gloria ay patuloy na nananalasa, hindi lamang sa mga iskolar ng bayan, kundi maging sa buong sambayanan.

Naging pinakamalupit na delubyo ang kanyang panunungkulan. Ngayong taon lamang dinanas nating ang pinakamababang kaltas ng badyet sa buong kasaysayan. Ang 357 milyong budget cut na ito ang sumupling sa iba pang unos na patuloy na dinaranas ng mga iskolar ng bayan tulad ng  miscellaneous fees, laboratory, late registration fee atbp. Patuloy ang paglobo ng ating mga bayarin na walang kawawaang kinokolekta sa ating mga bulsa sa pamamagitan ng iba’t ibang imposed exorbitant fees.

Gayundin, dahil sa mababang subsidyo mula sa pamahalaan ni Arroyo, itinutulak ng pamantasan ang paglalako ng edukasyong makikita sa pribatisasyon ng mga serbisyong dati ay pampubliko. Pribado na ang ilan sa mga gusali, pabahay, atbp na dapat sana ay libre o sa murang halaga natatamasa ng mga mag-aaral at empleyado ng Unibersidad.

Hindi rin naman naumentuhan ang sahod ng mga propesor at empleyado ng pamantasan simula noong 2001. Kasabay ng hindi pagbibigay ng ilan sa mga pribilehiyo  para sa mga empleyado at pagtigil ng promosyon, pana-panahon rin ang pagle-lay-off ng mga kontraktuwal na empleyado tulad ng janitors at security guards dahil sa kawalan ng sapat na badyet. Malinaw na sa panunungkulan ni Gloria, hindi lamang kalidad ng edukasyon ang ipinagsasangkalan, kundi pati ang sekuridad ng mga iskolar ng bayan sa loob ng pamantasan.

Walang habas rin ang hampas ng bagyong Gloria sa iba’t ibang komunidad sa loob ng UP. Upang magbigay-daan sa mga pribadong paggamit ng lupa sa unibersidad, patuloy ang banta ng demolisyon sa San Vicente at Old Capitol Site. Wala ring takas kahit ang mga kasapian ng UP Manininda na nakaambang mapaalis sa kanilang mga puwesto upang magbigay-daan sa mga private concessionaires.

Makikita naman ang kamay ng Malakanyang sa patuloy na pakikialam sa mga polisiya’t kalakaran ng pamantasan. Noong nakaraang taon lamang, malinaw ang interbensyon ng pangulo sa UP presidential elections sa nangyaring deadlock sa loob ng Board of Regents (BOR). Dahil sa paggiit ng appointees ng Malakanyang sa loob ng BOR, muntik nang magwagi ang sinasabing nominado na may malinaw na posisyon sa komersyalisasyon ng Unibersidad.

Ang lahat ng ito ay bunga ng walang ampat na krisis na nagsanga-sanga sa iba’t ibang anyo ng komersyalisasyon ng edukasyon sa loob ng pamantasan. Ang buong panunungkulan ni Gloria ay bagyong nananalasa sa bawat iskolar ng bayan, sa bawat mamamayan.

At sa harap ng lahat ng ito, hindi naman matitinag ang bawat isa sa atin upang harapin ang mata ng bagyo. Sa Hunyo 25, sa State of the Nation Address (SONA) ni Gloria, tinatawag tayo ng pagkakataon upang muling makisama sa mamamayan sa pagkilos. Tinatawag muli ang mga
iskolar ng bayan upang sumuong sa unos.

Naging saksi ang kasaysayan sa paglago ng mga iskolar ng bayan sa larangan ng pakikilahok. At sa masalimuot na kasaysayang ito umaalagwa ang kabataang hindi lamang naikukulong sa apat na sulok ng silid, kundi pinapalis ang lahat ng natutunan sa mga aral ng lansangan at lipunan. Ito ang kasaysayan ng iskolar ng bayan – kasaysayan rin ng pakikialam laban sa pagsasawalang-kibo at pagkilos laban sa pagkalugmok sa kawalan ng pagbabago.

Muli, makikilahok tayo sa panawagan ng sambayanang hindi mananahimik sa harap ng krisis. Handa tayong magpatalsik ng pekeng pangulo at magtaguyod ng pamunuang magsusulong ng interes ng taumbayan – ang demokratikong konseho ng mamamayan. Muli, bahagi ang kabataan sa
pagkilos ng mamamayan at paglikha ng kasaysayan.

Sa pagkakataong ito, magsasalita ang sambayanan, ang mga tunay na nakakaalam ng kalagayan ng ating bayan. Ang SONA ay wala sa loob ng Kamara, kundi nasa lansangan, sinusuong ang dahas ng panahon upang makibaka. 

PAPET, PASISTA, PAHIRAP SA MASA!
PATALSIKIN SI GLORIA!
SUMAMA SA SONA SA HUNYO 25!

……..

Monday, July 18th, 2005

Shet! Salamat at tapos ko na rin yun paper para sa History17-A. Pwede ko ng simulan yun sa ibang subjects. aaaargh

note to self: don’t take more than 2 courses during summer sem.

PLASMA

Saturday, July 16th, 2005

PLASMA (or Pagkakaisa Laban kay Arroyo ng mga Siyentista’t Mag-aaral ng Agham), a loose alliance of students, organizations, advocates and professionals of S&T calling for President Arroyo’s removal from office, invite you to a forum entitled "Nasaan ang Gloria? Saan Tayo Pupunta? A Forum on the Current Political Stalemate" to be held on Wednesday, July 20 at 2:00PM at the National Institute of Geological Sciences (NIGS) Auditorium, University of the Philippines Diliman . Among the distinguished speakers gracing the forum are Fr. Joe Dizon, PATRIOTS convenor; Dr. Carol Araullo, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) National Chairperson, and Prof. Harry Roque from the UP College of Law .

For questions and inquiries kindly text PLASMA at 09186528123 or email plasma_alliance@yahoo.com.

Sincerely yours,

PLASMA Convenors and Members

poem

Friday, July 15th, 2005

A Lullaby
By To Huu

Bees produce honey, love flowers;
Fish swim, love water; birds sing, love the sky.
My baby, if humans want to survive
They must love their comrades, love their brothers.

A single star does not bright up the night;
A single stalk of rice does not make a harvest;
A single man—doesn’t he make up the world?
If he lives, he’s just like a smoldering fire!

Mountains are high thanks to the piling earth,
And scorning that it is low, where else will mountains sit on?
Thousands of rivers pour into the deep ocean,
And scorning that they are small, how will ocean find water?

Old bamboos love bamboo shoots;
They pamper them as mothers shower love on their offspring.
Later on when you grow up
In your two strong arms you can embrace the world all around.

Statement

Friday, July 15th, 2005

N.B. - The University Council (UC) of UP Diliman approved this
statement at its special meeting on 13 July 2005. The UC also agreed to
annex the statement of the UP College of Law faculty members released
on 4 July 2005.

The President Must Resign Now

Statement of the University Council (UC) of the University of the
Philippines (UP) in Diliman, Quezon City on the political crisis facing
the Arroyo administration
13 July 2005

The pursuit of the truth and the quest for a democratic society are
integral to the university’s mission in society. In the conduct of its
work, the University of the Philippines is strictly guided by the
paramount values of honesty, personal integrity, and responsibility.

We have strong reason to believe that the recent actions of the Arroyo
administration in relation to the so-called "Gloriagate" tapes – the
initial attempt at a cover-up, the use of threat and intimidation to
prevent public access to these tapes, and the clever admission of
half-truths to conceal a serious offense, among others – constitute a
direct assault on nearly all the values we hold sacred in academe.

A careful analysis of the content and context of the recorded
conversations between the President and Commission on Elections
(COMELEC) Commissioner Virgilio Garcillano clearly shows that there has
been a betrayal of public trust, if not a subversion of the people’s
will in the last presidential election.

Grave economic problems confront the nation today. At no other time
have we needed a leader who can heal the divisions in our society and
inspire hope especially among our young people. President Gloria
Macapagal-Arroyo has done enough damage to our public institutions and
to the country’s self-esteem. We cannot afford to be led any further by
a dishonest president who has shown no qualms about using the awesome
powers of her office for purely personal interests.

The University Council (UC) of UP Diliman, Quezon City - composed of
professors, associate professors and assistant professors and chaired
by the Chancellor - calls on the people to guard against foreign
meddling and military takeover in charting the nation’s future in the
event of her removal from office. UP Diliman faculty members will join
the people in their struggle to build a progressive society and a
responsible government and in their commitment to uphold civilian
supremacy in government and governance.

We thus call on President Gloria Macapagal-Arroyo to immediately
resign.

(end)

Danilo Araña Arao
Assistant Professor and Chair
Department of Journalism, College of Mass Communication Plaridel Hall
University of the Philippines (UP), Diliman, Q.C. 1101
Telephone: (632) 920-6852, 981-8500 loc. 2672
Fax: (632) 926-3465
Email: danilo.arao@up.edu.ph
Website:
http://www.dannyarao.com